Nagising si Mitch ng araw na iyon dahil sa liwanag na pumasok sa kwarto nila mula sa bintana. Nasisilaw pa siya kaya muli niyang ipinikit ang mga mata. Maya-maya pa ay dumilat siyang muli. ‘shit.’ Pakiramdam niya ay pagod at masakit ang ilang bahagi ng katawan niya. Bababa na sana siya sa kama nang maramdaman ang bahagyang pagkirot ng ari niya. Saka lang din niya naramdaman ang mabigat na bagay na nakapatong sa beywang niya. Agad niyang sinilip ang ilalim ng kumot at nanlaki ang mga mata nang makitang hubad siya at nakayakap ang isang braso sa beywang niya. Saka lang nag sink in sa kanya ang mga nangyari sa kanila ng asawa kagabi. Ang mga ginawa nila ni Chris kagabi. Agad na tiningnan niya ang mukha ng asawa. Napangiti siya. Napakagwapo talaga ng asawa niya. Hindi niya akala