Monday morning at agad tumambad kay Chris ang isang envelope sa table niya. Nagtatakang agad niyang pinapunta sa opisina niya ang secretary niya gamit ang intercom sa opisina niya na connected sa maliit na opisina nito. “Lisa, saan galing itong envelope? Bakit walang nakalagay na sender?” takang tanong niya rito. This was the first time he received something without the sender’s informations. Ayaw na ayaw niya iyong mga ganitong pinag-iisip pa siya sa mga maliliit na bagay. It’s a must to input the details especially when it comes to important documents. “Sir, ideniliver lang po iyan kanina ng courier. Kinukulit ko nga po kung saan galing pero di rin daw po niya alam basta sa inyo lang daw po naka-address.” Napakamot pa sa sintido niya ang secretary niya. “Ok. But next time, don’t