“Sweetheart, can we talk?” Mula sa labas ng kwarto niya ay nabungaran niya si Chris na siyang kumakatok sa pinto ng kwarto niya. “Sure.” “Gusto mo ba sa library nalang tayo mag-usap?” “No, dito nalang.” Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ito sa kwarto niya. Ilang araw iyon matapos ang muntikan nang may nangyari sa kanila. Umupo sila sa sofa sa kwarto niya. “I know, nahihirapan ka sa pagkawala ni Raf,” panimula nito. Naghintay nalang siya na ipagpatuloy nito ang sinasabi. “But you must be strong…kung hindi ay baka mapunta sa iba ang kumpanya na pinangalagaan at minahal ng kuya mo…” “Nandiyan naman si Tito Jhun, mahal din niya ang kumpanya at hindi niya iyon pababayaan.” “Pero sa inyo ang kumpanya. Ang gusto sana ng kuya mo ay kayo parin ang mamamahal