“Hanggang ngayon pala ay kailangan ka pa ring bantayan ni Chris.” Agad na bungad sa kanya ni Jessica pagkalabas niya ng CR. Halatang galit ito. Nagulat man siya ay di na lang sana niya ito papansinin kaya naglakad na siya para sana lampasan nalang ito. Ito naman ang babaeng gusto ni Chris diba? Bakit ba ito nagagalit sa kanya? Marahas na hinablot nito ang isang braso niya nang akmang lalampasan niya na ito. “Aray! Ano ba?” naiiritang saad niya sa babae. Nagseselos ito sa kanya alam niya iyon. Ayaw man niya ay nagseselos rin siya rito kahit wala siyang karapatan. “Kinakausap pa kita. Hindi ka ba nahihiya kay Chris? Imbis na sarili niya ang atupagin niya ay kailangan ka pa niyang bantayan.” Walang pag aalinlangang saad ng babae na halata ang inis sa tono nito. “Hindi ako nakiusap sa ka