(Kricel’s POV) DALAWANG araw ang nagdaan. Ngayon ay nakahiga pa rin ako sa aking kama rito sa bahay ko. Ngunit may ngiti sa akin labi nang maalala ko ang aking ginawa nang pasabugin ko ang mga kotse nina Gobernador Owen, Edtol at Mayor Seralyn. Ngunit kulang pa ‘yun at hindi pa ‘yung sapat, dahil sa kanila kaya maraming namatay na mga inosenteng tao rito sa Isla Bughaw. Nag-iisip din ako kung ano’ng plano nila bago sumapit ang kabilugan ng buwan. At ‘yun ang kailangan kong paghandaan at aalamin na rin. At ngayon naman ang araw na mahahawakan ako ang 20 milyong piso na makukuha ko kay Mayor Seralyn. Walang kahirap-hirap na magkakaroon ako ng milyong piso para may ipamigay ako sa mga kababayan ko rito sa Isla Bughaw. Gawain ko na talaga ‘to. Kapag may alam kong baho sa isang tao at ala