Mabilis akong lumingon sa aking tauhan. Dahil bigla itong nahinto sa pagsasalita. Pagkatapos ay tumingin sa akin na may pagtataka sa mukha nito. “Ms. Kricel, alas-sais na po ng hapon at malapit nang gumabi,” pagbibigay alam nito sa akin. Medyo nakahinga ako na maluwag. Hanggang sa nagpaalam muna ako rito para pumunta sa kusina. Bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. Sinabi naman sa akin ni Akiro na may mga pagkain na raw sa lamesa dahil nag-order sila sa restaurant. Kailangan kong kumakain nang marami. Ngunit kailangan kong bumalik sa White Zet Land. Marahas tuloy akong napahinga ng malalim. Pero pupuntahan ko muna ang mga magulang ko upang alamin ang lagay nila. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako at nag-toothbrush na rin ako. Nang alam kong tunaw na ang mga kinain ko sa aking t