Magkakasunod akong napailing ng ulo --- Grabeng lupit ng aking Ama. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayaring ‘to. Agad kong tiningnan ang likod ng picture at nakita kong may nakasulat na Daddy Don Sangalang. Confirm nga at anak nga siya ni Don Verson Sangalang. Diyos ko po! Bakit kaya noong nabubuhay si Daddy ay hindi man lang naglabasan ang mga anak ni Daddy. At bakit hindi man lang nalaman ng Mommy ko ang mga pinaggagawa ng Ama ko noong nabubuhay pa ito?. Marahas tuloy akong napahinga ng malalim. Ang ang lupit talaga ni Dad. “Akiro, kailangan mo ulit ayosin ang DNA test namin ng binatilyong ‘yun. Gusto ko pa ring makatiyak na kapatid ko nga siya Ama,” utos ko kay Akiro. “Sige po Ms. Kricel. Ngunit ang lupit ng Daddy mo? Ilan kaya kayong magkakapatid?” natatawang anas ni