Hindi maipinta ang tabas ng aking mukha nang lumapat ang katawan ko sa lupa. Hayop! Mabilis tuloy akong napatingin sa building na nagliliyab. Hanggang sa mapansin ko ang isang tao na mabilis na tumakbo. Hayop na ‘yun, ah! Alam kong pinasabog niya ang lumang building. Muntik na ako roong mamatay! Gigil na gigil tuloy akong tumayo para habulin ang tao na mabilis ang takbo papalayo sa akin at talagang balak pang tumakas. Halos talunin ko ng alambre na hanggang beywang ko ang taas. Nagpupunta ito sa kakahuyan. Pero kailangan ko itong maabutan, humanda talaga ito sa akin. Kaya naman walang babala na naglambitin ako sa mga puno para lang maabutan ko ang hayop. Hanggang sa mabilis akong bumaba sa unahan nito. At agad na umigkas ang aking paa papunta sa lalaki. Tumalsik naman ito at tumama sa pu