Pinanlakihan ko ito ng mga mata. NGUNIT malakas lamang itong tumawa. Hanggang sa may dumating na isang tao pa at doon ko nakita si Mr. Delgado. Nagulat ako ang hawakan nito ang aking pulsuhan at sapilitan na inilabas mula sa ilalim ng lamesa. Nakitang biglang umawang ang bibig ni Maxelyn habang nakatingin sa akin na ngayon ay hila-hila ni Mr. Delgado. Nang makalabas kami bar ay roon lamang ako natauhan. Kaya naman agad akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak nito sa akin. Inis din akong tumingin sa lalaki. “Ano bang problema mo? Nakikita mong nag-e-enjoy pa ako sa loob ng bar. Tapos sasayaw pa ako rito! Pero anong ginawa mo? Epal ka talaga!” malakas kong sigaw at galit na galit sa lalaki. Pero hindi pala ako galit, galit-galitan lamang. Ngunit hindi nagsalita ang lalaki. Muli akong hinaw