(Mr. Pramo Nute’s POV) Parang nahilo ako nang tumama ang baril nito sa aking ulo. Naramdaman kong may umagos na dugo sa aking ulo. Ngunit hindi ako basta magpapatalo rito lalo at isang babae lamang ito. Nanlilisik din ang mga mata ko habang nakatingin sa babae. Mayamaya pa’y nakita ko itong naglabas ng kutsilyo at talagang pinakita pa sa akin para takutin ako. Ngunit malakas akong napadaing nang bigla na lamang nitong hiniwa ang aking braso. Kitang-kita kong umagos ang dugo. “Wala kaming kasalanan sa ‘yo! Napag-utas lamang kami at isang milyon ang binayad sa amin para patayin ang mga magulang mo. Ginawa lamang namin ang trabahong inatang sa amin kaya huwag kang magalit sa amin. Doon ka magalit sa grupo ng X- OBALONG SYNDICATE dahil sila ang nag-utos sa amin na patayin ang magulang mo