Isang linggo ang nagdaan. At ako ngayon ay nandito pa rin harapan ng mini bar rito sa bahay namin. Muli kong tinungga ang alak nasa aking harapan. Halos nakaapat na bote na ako. Ngunit pakiramdam ko’y hindi pa rin ako nalalasing. Gusto kong magpakalasing upang kalimutan ko ang sakit ng aking dibdib. Ngunit parang hindi naman nangyari at parang lalo kong naramdaman ang kirot. Naramdaman kong sunod-sunod namang umagos ang luha aking mga mata habang panay ang tungga ko ng alak at nang maubos ko ang laman nito ay agad kong binato papunta sa pader dahilan ng pagkabasag. Hanggang sa magkakasunod kong sinuntok ang pader. Dali-dali hindi akong tumayo at basta na lang tinapig ang lamang ng mini bar dahilan kaya nahuog at nabasag ang mga bote na walang laman. Dahan-dahan akong napaupo sa malamig