What? Joke Ba 'Yun, Dad?

1113 Words
Seryoso akong nakatingin sa daang tinatahak ko habang sinusundan ko si Mrs. Obelta, ito lang naman ang leader ng sindikatong Dynamite. Hindi na ito puwedeng makatakas, halos isang buwan ko na itong sinusundan para lang makakuha ng matibay na mga ebidensya upang mawasak na ang kasamaan nito. Kawawa ang mga taong hawak nito sa leeg. Kaya dapat na itong kalisin at makulong. Kaya naman mas matulin ko pang pinatakbo ang aking motor para lang maabutan ang kotse na kung saan nakasakay ang babaeng salot ng lipunan. Subalit Mabilis akong yumuko ng ulo nang makita kong balak akong paputukan ng baril nang kasamahan nitong tauhan. Agad ko ring pinagiwang-giwang ang aking motor para lang maiwasan ang mga balang tatama sana akin. Wala na rin akong sinayang na oras, agad kong kinuha ang aking baril mula sa aking likuran at nakipagsabayan sa mga tao na pinaulanan ako ng bala ng baril. Agad ko ring pinuntirya ang gulong ng kotseng hinahabol ko. Napangisi ako nang matamaan ko ito. Hindi na ako nagpaawat at mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo sa aking motor. Nang sobrang lapit ko na sa likuran ng kotse ay walang takot akong tumayo sa ibabaw ng aking motor at tuluyan ko ring binitawan ang manibela ng motor ko. Pagkatapos ay mataas aking tumalon papunta sa ibabaw ng bubong ng sasakyan. Mabilis naman akong dumapa sa ibabaw ng bubong ng kotse. Ngunit pinilit kong gumapang papunta sa binata ng kotse. Hindi naman tinted glass ang sasakyan kaya nakikita ko kung ilan ang aking kalaban sa loob. Agad ko ring kinuha ang aking baril. Pagkatapos ay naghanda ako para pagbasag ko sa bintana ng kotse ng kalaban ko. Wala na akong sinayang na sandali. Mabilis kong inangat ang aking paa at ito’y papunta sa bubog ng bintana ng kotse. Pagkatapos ay ubod lakas kong sinipa ang bintana at nang tuluyan kong mabasag ay tuloy-tuloy na rin akong lumusot papasok sa loob ng sasakyan. Mabilis na umigkas ang aking kamao papunta sa likuran na kung saan naroon si Mrs. Obelta. At ubod lakas ko itong hinampas sa leeg dahilan kaya ito’y nawalan ng malay tao. Kasabay nang paghampas ko sa leeg nito’y siyang sipa ko naman sa ulo ng driver ng kotse na ito. Maliksi rin akong lumapit dito at magkakasunod ko itong sinuntok sa mukha. Agad ko ring binuksan ang pinto ng kotse ay ubod lakas ko itong sinapa papalabas ng sasakyan. Nagmamadali ko namang hinawakan ang manibela upang hindi kami mabangga sa poste ng kuryente. Iiling-iling na lamang ako nang kinabig ko papunta sa kanan ang kotse para dalhin si Mrs. Obelta kay boss Zach. Oras na para ito’y makulong at pagbayaran nito ang lahat ng mga kasalanan nito sa mga tao at sa batas na kinalaban nito. Akala siguro nito ay makakatakas na siya sa isang katulad kong secret weapon ng bansa Aba! Doon siya nagkakamali. Ako yata si Kricel Sangalang ang babaeng walang inuurungang laban. Kung baga ay--- laban kung laban, patay kung patay! “Kung sino ka naman na babaeng nakasuot ng maskara, papatayin kita!” Bigla rin akong napatingala nang sakalin ako ni Mrs. Obelta. Anak ng pusit, oh! Nagising na pala ang animal na babae. Mabilis kong inalis ang isang kamay ko sa manibela ng kotse, pagkatapos ay ubod lakas kong siniko ang leader ng sindikato. Subalit hindi pa rin ito nagpapaawat at mas lalo pang hinigpitan ang pagkasakal sa aking leeg. Kaya naman kaunting hanging na lang ang aking nasasagap. Aba’t mukhang tutuluyan ako ng nabaliw na babaeng ito, ah? Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, agad kong iniyuko ang aking ulo pagkatapos ay ubod lakas kong inuntog ang mukha niya gamit ang likurang bahagi ng ulo ko. Agad naman akong nabitawan ng babae, kaya mabilis kong itinabi sa gilid ng kalsada ang kotse. Mabilis din akong humarap kay Mrs. Obelta. At basta ko na lang itong sinakal. “Dapat natulog ka na lang! Hindi ka pa sana masasaktan!” At bubod kalas ko itong sinuntok sa nguso niya, dahilan kaya napasigaw ito sa sakit. Wala na rin akong sinayang na sandali, sapagkat maliksi kong kinuha ang maliit na bottle spray na may pampatulog, sabay spray sa ilong nito. Mayamaya pa’y tuluyan na itong bumagsak sa kinauupuan niya. Iiling-iling na lamang ako sa sinapit ng babae. Sayang ang pagkakataon na ibinigay ng Panginoon sa kanila, hindi nila ginawa ng tama. Marahas na lamang akong napahinga at muling pinatakbo ang kotse papunta sa pagkikitaan namin ni boss Zach. Hindi naman kalayuan ang lugar na kung saan kami magkikita ni boss, kaya alam kong makakatakbo pa ang kotse kahit butas na ang isang gulong dahil binaril ko kanina. Ah! Bahala na nga! Hindi naman nagtagal ay tuluyan akong nakarating sa lugar. “Mission accomplished, boss,” anas kong may ngiti sa aking labi. “Good job, agent Kricel. Congrats, ngayon ay puwede ka ng magbakasyon?” “Tunay ba ‘yan, boss Zach? Hindi ba ‘yan joke?” Bigla namang sumama ang tingin sa akin ni boss Zach. Gusto ko tuloy matawa sa tabas ng mukha nito. “Joke lang po boss, alam ko naman na hindi mo ako gugulungan pagdating sa aking bakasyon, right?’’ At ngumisi pa ako rito ng nakakaloko. Ngunit mabilis akong tumakbo papalayo dahil nakikita kong nagagalit na sa akin ang big boss ng secret weapon ng bansa. Saka tunay naman ang aking sinabi na mautak si boss Zach pagdating sa mga bakasyon ng mga hawak nitong secret weapon. Kapag kasi sinasabi nitong two weeks na bakasyon ay nagiging four days na lang. Ganoon ka toxic ang utak ng boss ng secret weapon ng bansa. “Oh, ‘yung motor mo!” napatingin ako sa tauhan ni boss Zach. Ito kasi ‘yung nakasunod sa akin kanina habang hinahabol si Mrs. Obelta. Nagbilin kasi ako rito na siya na ang bahalang magdala ang aking motor kapag nakapasok ako sa loob ng kotse ng leader ng sindikato. “Salamat.” Agad na akong sumakay ng motor. At matulin ko itong pinatakbo papala sa lugar para makauwi na sa aking bahay. Kailangan kong magpahinga lalo at palagi akong puyat. Nang makarating sa tapat ng bahay ko ay agad kong hininto ang aking ducati. Tuloy-tuloy akong humakbang papasok sa kabahayan. Ngunit nasa hagdan pa lang ako nang mag-ingay ang cellphone ko. Dali-dali kong kinuha sa aking bulsa ng pantalon ang cellphone ko. Ngunit kumunot ang aking noo nang makita kong tumatawag si Daddy. Magkakasunod muna akong tumikhim. Bago ko sagutin ang caller ko. “Dad,” bungad ko agad. “Kricel, kailangan mong umawi bukas upang pag-usapan ang tungkol sa kasal mo.” “What? Joke ba ‘yun, Dad?” “Mukha ba akong nag-jo-joke, Kricel?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD