Biglang nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ng babae na anak ng Daddy ko. Tiningnan ko ang mukha nito. Mas matanda ito sa akin ng tatlong taon. Sabi ni Mommy sa akin dati ay magpakasal daw sila ni Daddy ay buntis na si Mom ng isang buwan. Medyo naguguluhan pa rin ako sa kwento nila. At kailangan malaman ko ang totoong nangyari. Bigla naman akong tumingin sa ibang mga tao na nandito sa sofa. Tumaas ang kilay ko ng makita ko ang isang babae na napapalibutan ng ginto ang leeg, tainga, pulsuhan may sinsing pang suot at may relo pa. Napatingin din ako sa isang babae at isang lalaki. Sila siguro ang iba pang anak ni Daddy. Ngunit medyo may edad na sila kumpara sa babaeng panay ang dakdak. Kung titingnan ang edad nila ay naglalaro sa 33 at 36, kung tama ang hula ko. “Ikaw ano’ng tawag