Kumunot ang aking noo. Ngunit kailangan kong makiramdam sa buong paligid. Hindi ako puwedeng nakipaglaban kapag kasama ako ang aking kapatid ayaw ko itong mapahamak! “Ate Kricel, sila ‘yung mga kumusa akin para ikulong ako sa prisento. Ngunit bago nila ako ikinulong ay binugbog muna nila ako,” sumbong sa akin ng kapatid ko. Tumingin ako sa kamay nito at nakikita kong nanginginig ‘yun tanda na ito'y natatakot. Magkakasunod tuloy akong napailing ng ulo. Hanggang sa kuhanin ko ang maliit na botelya na nasa aking bag. Pinindot ko rin ang aking salamin sa mga mata upang makita ko ang daan para makaalis kami rito kahit na mausok ang buong paligid. Mayamaya pa’y agad kong hinagis ang botelya sa harap nila. Mabilis kong hinila si Kiv papalabas ng tricycle. Nakita ko naman ang mga armadong la