Gigil na gigil akong tumayo habang nakatingin sa aking laban na itim na bampira. Hanggang sa mapatingin ako sa braso nitong may tattoo. X— OBALONG ang nakalagay roon. Peste! Isa ba ito sa grupong ‘yun? Aba nga naman dahil ito na ang unang pumunta sa akin at nagpakita sa akin. “Kung nagtago ka na lang sana, hindi ka sana mamamatay ka agad, hindi, eh, talagang nagpakita ka pa sa akin!” mayabang na anas ng babae. Mabilis na naman itong sumugod papalapit sa akin. Ngunit agad kong umalis sa aking pwesto. “Kung tama ang aking hinala ay kasapi ka ng X – OBALONG SYNDICATE, tama ba ako?” seryosong tanong ko sa babae habang nakatingin dito. Bigla naman itong napahinto sa balak sana niyang pag-ataki sa akin. “Sino ka? Paano mong nalaman ang grupong kinabibilangan ko?!” galit na tanong ng babae sa