Hindi ako makapagsalita at nakatingin lamang kay Delgado na ngayon ay papalabas ng tent na ‘to. Gusto ko talagang matawa sa lalaking ‘yun. Iiling-iling na lamang ako na lumapit sa mahabang lamesa para kumain. Tumingin ako ng pagkain na magugustuhan ko. At nang may makapili ako ay agad kong nilantakan ito. Ngunit nakakailang subo pa lang ako nang mapatingin ako sa pinto ng tent na ‘to dahil pumasok dito sina Delgado at Jus. “Kricel mahal, kamusta ang tulog mo? Hindi ka na nakakain kagabi? Damihan mo ng kain ngayon,” anas ni Jus. Lumapit pa nga ito sa akin at talagang tumabi sa kinauupuan ko. Hindi tuloy ako makalingon kay Delgado. Dahil nakakatiyak ako na para na naman itong dragon na halos magbuga ng apoy. Naramdaman kong tumabi ito sa bakanteng silya na malapit lang sa akin. Damang-