Magkakasunod akong napalunok habang nakatingin kay Delgado. Hindi ko alam kong ano’ng isasagot ko rito. Sasabihin ko ba na talagang may relasyon kami noong wala pa itong amnesia. Ngunit baka hindi ito maniwala sa akin at bitayin lamang ako. Hanggang sa tumingin ako sa mga mata mg lalaki. Kitang-kita ko roon ang inis dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong nito sa akin. Hanggang sa magdesisyon ako na huwag na lamang sabihin dito ang totoo. Hinintay na lang kung kailan babalik ang alaala nito. Saka kung umamin ako ay baka tuluyan na niya akong patayin. Baka pati si Jus ay mapahamak din dahil sa pagsisinungaling namin. “Kamahalan, umalis ka na po ng aking kwarto,” anas ko. At pilit na hinihila ang aking kamay. Ngunit sobrang higpit nang pagkakahawak ni Delgado