Hanggang sa buong lakas niyang inangat ang kamay at balak akong suntukin sa aking leeg. Ngunit mabilis kong sinalubong ang kamao nito gamit ang kamao ko na may hawak ng kutsilyo. Talagang bumaon sa kamao niya ang aking patalim. Kahit masakit ang aking hita dahil sa kutsilyo nakatarak doon ay tiniis ko talaga. Mabitawan na rin nito ang kutsilyo dahil alam kong nasaktan ito sa aking ginawa. Mabilis ko ulit kinabig papunta sa kanan ang manibela ng truck. Pagkatapos ay basta ko lang hinawakan ang buhok ng kalaban ko ay buong lakas ko itong inuntog sa unahan. Kinuha ko rin ang aking kutsilyo nakatarak pa rin sa kamao nito at basta ko na lang sinaksak ang balikat nito. “Ahh!” malakas na daing ito. Hanggang sa buong lakas kong hinampas ang batok nito dahilan kaya tuluyan itong nawalan ng malay