Lalo namang nagsalubong ang kilay ni Delgado, habang nakatingin sa akin. Hindi muna ito nagsalita, ngunit nakita kong ini-lock niya ang mga bintana upang hindi yata akong nakalabas. “Tingin mo ba ay kayang-kaya mo ang mga ahas na ‘yun babae? Dahil oras na lumapat lang sa katawan mo ang mga itim na ahas ay nakakatiyak akong patay ka. Dahil hindi pangkaraniwan ang ahas na ‘yun!” galit na sabi ni Delgado. Agad itong tumalikod sa aking para lumabas ng kwarto na ito. Ngunit narinig ko ang pag-lock nito ng pinto mula sa labas. Hindi tuloy ako makapagsalita o makakilos sa aking pwesto. Mayamaya pa’y narinig ko ang malakas na pagsabog at ito ay nanggagaling sa labas ng palasyo. Ano kayang ginawa ni Delgado sa mga itim na ahas? Nakakainis naman hindi ako makalabas para makita ang ginawa nito. P