“Sorry naman, honey. Mag-ingat ka!” bulalas ng lalaki. Iiling-iling na lamang ako. Ngunit bigla akong napangiwi nang sumampalak ang parachute ko sa malaking cable. Agad kong hinawakan sa magkabilang dulo ang parachute habang nakasalampak sa cable. Medyo pababa ang malaking cable. Kaya tuloy-tuloy ring dumausdos ang parachute. Ramdam ko na bilis ako dahil madulas sa malaking cable. Narinig ko naman ang boses ni Delgado at panay ang sabi na mag-iigat ako. Napapangiti pa rina ako dahil sa pag-aalala nito sa akin. “Dahan-dahan sa pagbitaw, honey,” muling paalala sa akin ni Delgado. Hanggang sa tuluyan ko nang bitawan ang parihas dulo ng parachute. TULOY-TULOY akong bumagsak sa lupa. “Ahhh! f*****g s**t!” sigaw ko. At halos hindi ako makatayp dahil nasaktan talaga ang aking braso. “Ho