“Verson, bakit ipapakulong mo ang anak natin, nababaliw ka na ba?!” narinig ko ang boses ng aking Mommy. Lumingon ako rito at nakita kong nagmamadali itong lumabas ng bahay. Galit na galit ito sa akin Daddy at halos magbuga ng apoy. “Katel, hayaan mo ang anak mo! Para magtino. Alam mo bang pinagbubog-bugbog niya ang mga tao sa bar, hindi lang ‘yun, pati ang mga tao na kanyang nakakasalubong sa kalye ay sinaktan din niya. Basagulera talaga ang anak mo!” mariing sabi ng Daddy ko sa akin. “Wala kang kwentang Ama. Hindi mo man lang tinanong ang side niya. Hindi mo man lang naisip na baka binastos siya kaya ganoon ang ginawa ni Kricel!” sigaw ng Mommy ko. Iiling-iling na lamang ako na tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok sa mobile car. Naramdaman kong tumakbo na ang sasakyan. Hanggang sa mak