Habang nasa ere ay mabilis kong kinuha ang aking granada at basta ko na lang ibinato papunta sa helecopter. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko nang tuluyang pumasok ang granada sa loob ng private helecopter. Mabilis namang bumulusok ang katawan ko paibaba. Dinig na dinig ko naman ang malakas na pagsabog sa ere. Napatingin ako sa ere at kitang-kita kong may isang lalaki ang tumalon mula sa helecopter. Aba nga naman! May nakaligtas pa sa pagsabog. Ngunit hindi ko ‘yun hahayaan na namang yari. Dali-dali kong kinuha ang aking baril at magkakasunod kong kinalabit ang gatilyo ng baril na aking hawak-hawak. Bigla akong napangisi nang tumama sa katawan nito ang bala ng baril ko. Mabilis ko namang kinuha ang aking facemask para lagyan ang aking mukha upang walang kakakita sa akin. Kasalukuy