Klaire's POV.
"Doon ka na nga" sabi ko dito.
"Maaga pa, masama bang dumikit ako sayo? Tsaka room ko din to" Sagot naman nya sakin at nag puppy eyes pa.
"Oo masama! Tingnan mo sila" sabi ko sabay turo sa mga classmates namin sa loob na nakatingin samin at tila kilig na kilig na nanonood samin "Aasarin na naman tayo ng mga yan"
"Bagay na bagay talaga kayong dalawa" sabi ni Kuya JP, president namin.
Nag roll eyes ako dito at bumaling sa boyfriend ko. "Babe naman, lumayas ka na nga dito napapaghalataan kang baliw sakin" sabi ko sabay crossed arms.
Nagtawanan naman lahat ng classmate namin ng biglang
"Adek seyo, Awet sa aken nelang sawa na saken mga kwentung maratun" yan na nga ba ang sinasabi ko! Kumanta lang naman ang bisaya naming classmate na si Juditha
"Pigilan nyo ko, Pigilan nyo ko, Babaon ko sa lupa yan" Mas nagtawanan ang mga kaklase namin ng tumayo si Dave at umaktong susugurin ang classmate naming si Juditha.
"Mga baliw talaga kayo! Sige na po babe, aalis na ko at pupunta na ko sa practice namin" Sabi ni Dwayne sakin.
"Yown! Buti naman, galingan nyo0 dapat maganda ang performance ng WAMAKAEN ah" sabi ko sabay tayo.
"Manahimik ka nga babe! Hindi Wamakaen ang pangalan ng grupo ko, It's THE MAGNIFICENT" sabi nya na may pagyayabang.
Aaminin kong magaling talaga sila sadyang mapang asar lang talaga ako kaya "Magnificent? Mas maganda yung wamakaen, lahat kasi kayo parang character sa stick run" nagtawanan kaming lahat na magka classmate.
Nagulat ako ng may bumatok sakin.
Una akala ko si Dwayne ang bumatok sakin pero nakita kong nakatingin sya sa likod ko kaya napalingon ako at nakita ko si Katherine, ang female lead vocalist nila.
"Hoy! Anong pinagsasabi mong character kami sa stick run?" Sabi nya sabay pameywang sa harap ko.
Kinamot ko yung ulo ko sabay peace sign ✌ "Bakit ang ganda mo Kath? Ang ganda mo talang chopstick" sabi ko sabay hila kay Dwayne at tumakbo.
"Klaire Lim! Patay ka talaga sakin!" Narinig kong sigaw ni Katherine bago ko binilisan pa ang pagtakbo para di nya kami abutan.
By the way di pa pala ko nakakapagpakilala sa inyo.
I am Klaire Lim, 3rd year college sa kursong Tourism. I am in a relationship with Dwayne Elliniel Chua, He is taking aeronautical, magpipiloto sya, parehas naming gusto ang kurso namin at nakakatuwa na magka konekta iyon kaya sana ay madalas kaming magkasama sa work. Magpo 4 years na kaming mag boyfriend.
Dwayne is quite popular in the school, Ikaw ba naman ang maging inheritor ng isa sa mg pinakamamayamang pamilya sa Asia. Well all of us naman ay inheritor, masyado lang talagang mayaman ang pamilya nila at bukod sa tagapagmana sya ay male lead singer pa sya ng banda ng school.
Bumalik ako sa realidad ng biglang nya kong hinalikan sa labi.
"Anong ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya
"Tulala ka kasi, ang dami mo yatang iniisip" Sabi nya at tinitigan ako. Napahiyaw sya bigla. "Bakit mo ko tinapakan?"
Totoong bigla ko syang inapakan, imagine, naka high heels pa ko.
"That's for kissing me here in school, hindi yun tama!"
"Sorry na, di na po mauulit" sabi nya habang hinihimas ang paa nyang inapakan ko.
"Tsk. Maiwan na nga kita dyan, Sakit ng paa ko. Baka maputulan pa ko nito" Sabi nya. OA talaga nyan
"Babe, anong silbi ng paa mo?" tanong ko habang nakangiti kaya napalingon sya bigla. "Kung di mo naman magagamit, Sa paglalakad sa altar, kasama ako" sabi ko sabay wink sa kanya.
Kumunot naman ang noo nya.
"Si kulot ang ang pickup lines nya. You're weird but I love you" sabi nya at niyakap ako.
"Yan pala pagmamahal mo? Nasasakal kaya ako sa yakap mo"
"Wag mong sirain ang mood" Sabi nya na mas hinigpitan ang pagyakap sakin.
"Oo na, I love you too" sabi ko sabay yakap sa kanya.
Nakarinig kami ng pagtikhim kaya napalingon kami sa gumawa nung tunog na yun. "Public Display of Affection, bawal yan sa school na to"
"Mommy!" sabay naming sigaw ni Dwayne kay Mommy Fiona.
"Pero dahil kinilig naman kami, forgiven kayong dalawa" sabi ng isang babaeng halos kawangis ko na. Yes that's my Mama, Mrs. Ericka Lim.
"Mama, pati ba naman ikaw?" sabi ko kay mama. Sila ang mga nagma-manage dito sa school. Pero pa minsan-minsan lang silang pumunta dito dahil ang daming business ng pamilya namin.
Madalas connected ang pamilya namin sa isa't isa dahil sa business.
Lumapit sila para yakapin kami. Legal kaming dalawa at gusto ng magulang namin ang relationship namin, it's good for the future of our businesses daw.
"Mommy, kamusta na po kayo? Si Daddy Jack?" ako nagtanong nyan sa Mommy ni Dwayne. Jack Cruz is Dwayne's father. Well known businessman sa bansa just like my dad.
"Ayun at nasa golf club na naman kasama ang Papa Luis mo kaya nag ikot ikot lang kami nitong si Ericka pero baka bumalik ulit kami sa ibang bansa dahil may aasikasuhin na business doon" sagot ni Mommy Fiona.
"Iiwan nyo na naman ako Mama" sabi ko sabay pout at yakap sa mama mo.
"It's for you and your siblings, anak" sabi ni Mama ko.
"Basta mag ingat po kayo doon" sabat naman ni Dwayne.
"Hoy Klaire! Ano na? Tara na! Start na ng klase" sumisigaw si Haria na papalapit samin. Malayo pa sya at palapit palang kaya ng tuluyan syang makalapit ay "Ay naku po, pasensya na po tita" sabi nyang nahihiya.
Yan napakaingay kasi ng bunganga, akala mo hindi babae.
"Wala yun" sabi ni mommy "Sya sige na pumasok na kayo at uuwi na rin kami"
Mahigpit akong niyakap ni Mama na para bang miss na miss ako. Masyado kasi silang busy sa mga business kaya hindi kami ganoon kadalas magkita.
Consequences of having a rich parents, madalas silang wala pero we don't lack attention and love. Madalas man silang wala, alam naming magkakapatid na ginagawa lang nila to for our future.
They are such a loving and caring parents and we are lucky. Both of us.
Nung makaalis ang mga nanay namin ay masaya akong bumaling kay Dwayne. He held my hand while walking back to our class.