Chapter 6: Final Goodbye

1174 Words
Klaire's POV. Ang lakas lakas na ng ulan, pero di ako natinag. Gusto kong makasiguradong wala na talaga, na tapos na talaga ang lahat samin. "Hindi yun imposible, mahal naman natin ang isa't isa" "Dati yun" "Ano yun? Agad agad mo kong nakalimutan dahil dumating si Ashley?" "That's not it Klaire" "Eh ano?! Di mo na ba ko talaga mahal?" "Sad to say but yes" "Sad to say?! Wow" I faked a laugh. "So ganun na lang? Bakit?" Iyak na ko ng iyak. "Mahal ko si Ashley" Para akong dinurog sa mga salitang sinabi nya, Dahan dahan kong ibinaba at binitawan ang kamay nya. Tsaka ako tumakbo palayo. Di pa ko nakakalayo ng magdilim ang paningin ko at ang huli kong narinig ay ang pagsigawan nila ng pangalan ko. Dwayne's POV I don't know who to choose between them. Sa totoo lang, mahal ko si Klaire but Ashley makes me feel special. Ayokong maging unfair kay Klaire, I have to let her go. Lalo na ngayon pang sa tingin kong may gusto sa kanya yung koreanong yun. May sasalo sa kanya. Looking at her while she's crying is tearing me apart. Nasasaktan ako pero alam kong mas nasasaktan sya, mas ayoko ng pahirapan pa sya. Naiinis ako dahil from a bubbly and a happy girl, I turned her to be a sad and pathetic Klaire, Nasaktan ako ng lumuhod sya kay Ashley. She has never done that before. Ganito na ba talaga nya ko kamahal? "Mahal ko si Ashley" simpleng sagot ko sa kanya, kahit di pa ko sigurado. I have to end her sadness. Bumitaw sya sakin. Umuulan na pala, Halos di ko napansin. Nakikita ko sa mukha nya ang labis na kalungkutan. Sa pagbitaw nya sakin ay bigla syang tumakbo. Pero laking gulat ko ng bumagsak sya sa damuhan. "Klaire!" ang sigawan ng mga kaibigan nya. Nataranta ako, I ran towards her, Pero may nauna. Naunang kumuha at bumuhat sa kanya. It's Niall. Tinitigan nya ko sa mata. Mababakas mo ang galit. "Don't go near her again, I swear I'll kill you. You don't deserve her love. You kept hurting the one who loves you" sabi ni Niall, sabay talikod sakin. At nagmamadaling umalis para dalhin sa clinic si Klaire. Nagsunuran naman ang mga kaibigan nya at pabalik na sana ako ng makaharap ko si Haria. *Pak* Sinampal nya ko, Masakit yun pero hindi kasing sakit ng ginawa ko kay Klaire. Kahit umuulan I can see that she is crying. "Akala ko ba iingatan mo sya? Mamahalin mo sya ng totoo? Di mo sya iiwan no matter what? That is what you promised to me before I agreed that she can be officially yours. Naniwala ako, kami! Lalong lalo na sya. Sobra sobra na ang sakit na binigay mo. Kaya sana wag mong pagsisisihan to. Don't miss her when she's gone" sabi ni Haria sabay walk out saken. I looked at Ashley, Alam nya namang naguguluhan lang ako. Alam nya yun. Lumapit sya sakin at niyakap ako. Atleast I need someone to comfort me. Klaire's POV. "Are you sure that she's gonna be fine? That she'll wake up soon?" Nagising na ko, Pero di ko pa madilat ang mata ko, Naririnig ko ang boses ni Niall. Nasan kaya ako? "I assure you Mr. Park, That Ms. Lim is gonna be fine, Her fever is just too high, And maybe she is too emotionally stressed that's why she fainted" Finally, Nadilat ko na din ang mata ko. Puro puti, I knew it nasa clinic ako. "N-niall" I managed to say his name. Dali dali naman silang lumapit sakin. "Glad you're awake, Do you still feel sick?" Nag aalalang tanong ni Niall. "No, I'm feeling better" sagot ko, Tinapat naman sakin ni doktora, sa tenga ko ang isang thermometer. I heard it beep. Tapos ngumiti sya. "Yan, Nawala na yung lagnat mo, normal body temperature ka na ulit, Pero mas maganda kung uuwi ka na, Magpahinga ka na at baka mabinat ka" bilin ni doktora bago lumabas ng room ko dito sa clinic. "You made me worried sick" Niall "Pasensya ka na talaga, pinag alala pala kita. Sina Aira pala? Nasaan sila?" Sa tanong kong yun ay sya namang pagdating ng lima, mukhang nagpalit lang sila ng damit. "Oh ano? Okay ka na ba?" sabi ni Cherry habang sinisipat ang noo ko. "Oo best, Sorry ah. Sorry sa inyong lahat. Napakatanga ko kasi. Ang bobo ko, Ayoko pa kasi syang bitawan" sabi ko, kinagat ko ang labi ko to stop myself from crying. I know they've been in too much drama. "Ano ka ba best? Kaibigan mo kami, we are here for you" Sabi ni Valerin sabay yakap sakin. Nagsisunuran naman yung iba except Niall. "G*ga ka kasi, naniwala kang may forever yan tuloy. Ikaw din ang kawawa sa bandang dulo" Haria. "So sinasabi mo bang wala ding forever sa inyo ni Revo?" tanong ko sa kanya. Binatukan nya ko, "Ay sorry! Haha na carried away. Exception kami nun atsaka 9years na kami ateng" pagmamalaki ni Haria. Yan na naman. Yung taon! Yung limang taon na walang kagatol gatol nyang sinayang. "Baliw ka talaga Haria, pinaalala mo pa. Naku bes, wag kang mag alala, may mas darating pang much better for you" Aira "Oo nga naman bes, malay mo nasa kwartong ito na pala sya, pero di mo napapansin" sabi ni Tessa sabay kindat kay Niall. Natawa naman kami, Ito ang unang beses kong tumawa after our break up. Masaya akong hindi ako sinukuan ng mga ito. Siguro, siguro nga panahon na para palayain ko talaga sya at hanapin na ang sarili ko, kaya kahit mabigat sa loob ko, I made the hardest and maybe the best decision in my life. "Niall, I'm coming with you to states" sabi ko ng seryoso. Lahat sila nagulat, Lahat sila nabigla sa pagdedesisyon ko "Are you sure?" Niall "Yes" "Well, Okay. In one condition" Niall. "Ha? Condition?" Ako. "Naku best! Haha. Wag ka ng sumama, may bayad pala sya as tour guide" Cherry. "Baka as maid" Haria "As driver" Tessa "As carrier ng maleta" Aira "Baka naman as fixer ng passport mo" Valerin. Nagtawanan kaming lahat sa mga pinagbabanat nila. Even Niall. "Pero, ano nga ba yung kondisyon mo Niall?" Tanong ko. "Let me take care of you from this moment. You'll let me protect you" sinserong sabi ni Niall sakin. Nakakapagtaka kung bakit yun ang hinihiling nyang kapalit sa pag alalay sakin sa pag move on.  Pero, he deserves my trust. Dahan dahan akong tumango at nginitian sya. He breathed heavily as a sign of relief. And smiled at me. "Ageeeeeh" hiyawan ng mga kaibigan ko sabay sundot sundot sa tagiliran "Haha. Di mo na ata kailangang pumunta pa ng states" Valerin "Dito pa lang kasi sa kwartong ito makakapag move on ka na" sabi ni Cherry habang hinihimas ang pader. "Mga baliw kayo" sita ko sa kanila "Tama, tama mas boto ako kay Niall. Mabait na korean hottie pa!" sabi ni Aira sabay yakap kay Niall. Tas lumayo sya. "Ay sorry nadala. Hahaha. Sa kaibigan nga pala kita" "Niall, crush mo bestfriend namin no?!" biglaang tanong ni Tessa kay Niall na ikinagulat naman ng huli. "Ah uhm" nauutal si Niall. Namumula na din sya ng sobra. "You're blushing Niall!" Tessa. "No! Noq! It's you know, It's getting hot here. Maybe the aircon is not working anymore, I'll just go outside and breathe some fresh air" sabi ni Niall na agad agad lumabas ng pinto Nagtawanan silang lima at sabay sabay nagsabing CONFIRMED! Tapos nag apiran. Natawa ako sa mga inaakto nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD