Every single day passed smoothy. Gaya nga ng sinabi sa kaniya ni Brayden, bumawi ito. Halos araw-araw itong bumabawi. Pagkatapos ng trabaho ay kumakain sila sa labas. Kung minsan ay nagko-commute lamang sila pagpasok, para sa pag-uwi ay magkahawak kamay silang maglalakad-lakad hanggang sa makahanap sila ng masasakyan. Tulad na lamang ngayon. "Sunshine! Here!" Mula sa malayo ay kita na kaagad ni Aymee ang nakangiting mukha ni Brayden na naghihintay sa kaniya. Nakatayo ito sa gilid ng isang taxi at agad na kumaway nang makita siya. Kalalabas lamang niya mula sa gusali dahil tinapos muna niya lahat ng dokumentong nasa kaniyang mesa. Samantala, nauna naman ang binata mag-out sa kaniya upang maghintay ng taxi. Ang kaibahan lamang sa pagkakataong ito ay nasa maintenance ang sasakyan ng binata
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books