NASA harap ng isang booth ng 10th Grade sila Gaia, which is a horror booth. At si Zeira ang nakaisip na subukan nila iyon. Sunod-sunoran lang ni Zeira sila Gaia. "You know what Zeira, mauna na ako. Nagsasayang lang ako ng oras dito,” sambit ni Rania na magkasalubong na ang mga kilay. Nakaupo pa silang tatlo sa isang bench malapit sa booth, habang nakapila naman si Caiz para makabili ng pass. "Last na talaga 'to, Ranz! Kaya please pagbigyan mo na ako,” kumbinsi ni Zeira kay Rania. Bumuntong hininga naman ang huli, walang magawa. After all, sila lang din ang kaibigan ni Rania. "Pang-ilang huli mo na 'yan, Zeira? Talagang huli na 'to ha.” Nagtatalon naman si Zeira sa tuwa sa pag-sang ayon ni Rania. Pinagtitinginan sila ng mga estudyanteng nakapila at dinadaanan sila. They star