MAGKASAMA si Gaia at Zeira sa kwarto nito. Walang pasok at mamaya na gaganapin ang Anniversary Ball. "Lalabas tayo ngayon Gaia! Kasama natin si Rania,” Zeira said, giggling. Napataas naman ang kilay ni Gaia sa narinig. Nawala sa kaniyang isipan ang mangyayaring ball mamaya. "At saan naman tayo pupunta?" Dumapa si mula sa pagkakahiga sa kama at pumangalumbaba kay Gaia. "Duh? Huwag mo sabihing hindi ka dadalo mamaya sa anniversary ball?" Napa-isip naman si Gaia at nagdadalawang isip pa kung mamaya na nga ba ‘yon. "Mamaya na pala 'yon?" Nawala sa isip niya ang kaganapan sa Academy dahil sa dami ng iniisip niya. Isa na ‘don ang hindi pa bumabalik na ability ni Zeira. "Are you serious, Gaia? Naku! Kailangan talagang sumama ka sa akin ngayon! I bet di ka pa nakahanda ng s