NAPATIGIL si Zhyke sa paghila kay Gaia nang makasalubong nila si Zeira. “Zhyke, kanina ka pa- oh hi Gaia!” Sumilip si Gaia mula sa likuran ni Zhyke at nakitang si Zeira ang nagsalita. Lalapit na sana si Gaia kay Zeira pero hawak pa ni Zhyke ang kamay niya na agad naman nitong binitawan ng makitang nakatingin siya sa kamay nila na magkahawak. "Uy anong meron sa inyo huh? May pahila hila pa kayo ng kamay,” panunudyo ni Zeira kay Gaia at Zhyke. "Tumigil ka nga Zeira! T-tinulungan lang ako ni Zhyke..." Doon napatigil si Zeira sa pang-aasar at agad napatingin kay Zhyke na nasa tabi pa rin ni Gaia. "Ano bang nangyari Zhyke?" Seryosong tanong ni Zeira. Humalukipkip si Zhyke at madiing tiningnan si Gaia. "As usual, trouble's chasing her,” Zhyke replied, jaw tightened. Napatingin naman si