CHAPTER 22 - FRUSTRATED

1680 Words

        Sinuklay ko ang buhok ko at pagkatapos ay sinuyod ko ng tingin ang sarili ko sa harap ng salamin.         Pupuntahan mo lang si Jordan para tanungin. Bakit conscious ka sa itsura mo, Cassandra Jewel Madrigal?         Napailing ako sa sarili ko na nasa repleksiyon sa salamin. Umaasa ba ako deep inside? Para saan? Dinampot ko ang keycard ng kuwarto at saka nagmartsa papunta sa pinto. Pero bago ko mahawakan ang door knob ay napagpasyahan kong bumalik sa dresser at saka nag-spray ng pabango.         Teenager lang ang peg, Cassandra Jewel??         Binalewalako ang sarili ko at saka lumabas na ng kuwarto. Pagkalabas ko ng kuwarto ay dumerecho na ako palabas ng lobby at saka nagpahatid sa service van na naka-stand by doon patungo sa fishing area.         Pagkarating ko doon ay agad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD