Ang Duwag Na Matapang
Sa taong 1988, buwan ng Mayo 17 sa isang liblib na lugar ng Alibayo, ipinanganak ang isang batang babae na pinangalanang Peng. Isang kahig isang tuka lamang ang kanyang mga magulang. Nakatira sa isang lugar na kung saan napapalibutan ng tubuhan.
Kahit sa hirap ng buhay, masaya pa rin sila bilang isang buong pamilya. Hanggang sa nagkaroon ng kapatid na babae si Peng. Pinangalanan itong si Tess. Masunurin ang kanilang mga anak.
Hindi inaasahan ng mag-asawa na palaki na ng palaki ang kanyang pamilya. Hanggang sa naging anim ang kanilang mga anak. Dito na nagsimula ang sobrang hirap na dinanas ng pamilya.
Palagi ng nag-aaway ang mag-asawa dahil kulang na ang kinikita nila para pantustusan ang pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
Si Peng ay sampung taong gulang na. Napilitang magtrabaho sa bukirin kasama ang mga magulang. S'ya ay nasa ikatlong baitang ng mababang paaralan pa lamang. Palagi s'yang lumiliban sa klase sa kadahilanang kailangang tulungan ang mga magulang sa pag-aani ng mais upang may makain sa araw-araw. Minsan ay naisipan na n'yang huminto sa pag-aaral dahil nakaramdam na ng pagod ang bata ngunit laging pinapaalala ng kanyang ina na ang pag-aaral ang s'yang makaahon sa kanilang kahirapan.
Sobrang nagpursige si Peng sa pag-aaral at pagtulong sa mga magulang. Sobrang nahihirapan s'ya dahil walang araw na hindi nag-aaway ang kaniyang ina at ama. Nag-iyakan na ang kanyang mga kapatid dahil nakikitang napagbuhatan ng kamay ang kanilang ina ng kanilang ama. Umiiyak lamang si Peng sa tabi at hindi alam ang gagawin.
Isang araw, napagdesisyunan ng kanilang ina na lumayas dahil sa hindi na kinaya ang ginagawang p*******t ng kanilang ama. Dala-dala ang anim na bata. Ang bunsong anak ay nasa pitong buwan pa lamang. Dahil si Peng ang panganay, s'ya ang nag-alalay sa kan'yang maliliit na kapatid. Pumunta sila sa kanilang Lola (mama ng kanilang ina).
Isang linggo ang lumipas, laking gulat nila na dumating ang kanilang ama na lasing upang sunduin sila pauwi ng bahay. Nangako na magbago na hindi na manakit. Masaya sila ulit at nabuo ang pamilya. Pinanghahawakan ng asawang babae ang pangakong magbago na ang asawang lalaki.
Lumipas ang isang buwan, bumalik na naman ang ugali ng kanilang ama. Lagi na naman silang nag-aaway at tinutukan pa ng patalim ang kanilang ina. Sumisigaw lamang ang mga anak na nagbakasakaling tutulong ang mga kapitbahay upang awatin ang kanilang ama ngunit wala silang pakialam. Natatakot din pala sila baka sila din ang pagbuntungan ng galit ng kanilang ama. Araw-araw na lamang umiiyak ang kanilang ina. Walang magawa si Peng dahil sa bata pa lamang at wala pang alam kung paano labanan ang palaging galit na ama.
Hapon ng sabado, dumating ang ama galing nag-araro. May kapitbahay na lasing at nagwawala. Dahil nairita ang ama sa ingay nilapitan n'ya ito at pinagsabihan. Laking gulat nalang nila na umuwi ang ama na may nakabaong patalim sa kan'yang dibdib. Sinaksak pala s'ya sa lasing na kapitbahay. Naging malubha ang kalagayan ng ama dahil natamaan ang baga nito. Ang daming bag ng dugo ang isinalin sa kanya dahil sobrang dami ng dugo na tumagas sa kanya. Laking pasasalamat ng pamilya dahil naka-survive ang Padre de pamilya.
Samantala, ang ina nila ay laging naghihina. Sa sobrang dami ng problemang dumadating, parang lagi na n'yang sinasabi na hindi na n'ya kaya.
Isang araw, dumating ang Lola (ina ng kanilang ama) upang kuhanin si Peng para doon sa kanila pag-aralin at para na rin magkaroon ng kasama ang matanda. Masaya si Peng na malungkot dahil malayo s'ya sa kan'yang ina. Nilakasan nalang n'ya ang loob at inisip na para sa kanila ang gagawin n'ya. Matalinong bata si Peng. Palagi s'yang may award sa paaralan.
Isang umaga, habang nakikinig ng radyo si Peng ay biglang dumating ang kanyang Tito (kapatid ng kanilang ama). Nagtaka si Peng dahil pinalabas muna s'ya ng kanyang Lola dahil may pag-uusapan daw sila. Mga ilang minuto ang lumipas biglang tinawag si Peng upang pagbihisin dahil uuwi sila. Laking tuwa naman ni Peng dahil makikita na n'yang muli ang kanyang ina. Habang nasa bus sila, nagtataka si Peng dahil bigla lang tumulo ang luha ng Lola n'ya. Hindi na din s'ya nagtanong dahil baka napuweng lamang ito.
Nakarating na sila sa kanilang tahanan. Tumakbo si Peng at hinanap ang ina. Ang kanyang palatandaan ay ang tsinelas ng ina. Kapag kasi wala sa labas ang tsinelas nito ang ibig sabihin ay nasa labas ng bahay ang ina. Nilibot n'ya ang buong bahay ngunit hindi n'ya mahanap ito. Hindi s'ya nagtaka na madaming tao dahil ang nasa isip n'ya ay nag celebrate ng advance ang kanilang ama dahil dalawang araw nalang ay kaarawan na n'ya.
Napaisip si Peng dahil tahimik na pinagtinginan s'ya ng mga tao. May mga tao din na gumagawa ng parang isang kahon na pahaba. Dumeretso s'ya sa kusina. Pag hakbang n'ya sa hagdanan nakita n'ya ang tsinelas ng ina na nasa gilid. Pagtanaw n'ya sa hindi kalayuan nakita n'ya ang mga kapatid, ama at lola na umiiyak na nakatingin sa kanya. Bigla s'yang niyakap ng mga ito. Pagtingin n'ya sa may higaan, nakita n'ya ang kanyang ina na nakahiga.
Dali-dali s'yang lumapit sa nakahigang ina na inakalay tulog lang ito. Napasigaw nalang s'ya ng iyak ng ayaw na magising ang ina. Hindi n'ya inakala na hindi man lang n'ya naabutang buhay at mayakap kahit sandali lang. Halos nandilim ang kanyang paningin sa sobrang sakit ng pagkawala ng kanyang ina.
Laging walang gana sa pagkain si Peng. Hindi matanggap ang pagkawala ng kanyang ina. Pinalakas lang ang loob at bumulong na "pain no more ma ?. Hindi mo na maramdaman ang p*******t na dinanas mo kay papa". Humagulgol lamang s'ya ng iyak. Hindi alam ang gagawin ngayong wala na ang ina. Hindi alam kung paano alagaan ang mga kapatid na maliliit palang at bunsong kapatid na isang taon at limang buwan pa lamang.
Pahinto-hinto ang pag-aaral nila. Dahil si Peng ang panganay, sya ang naging nanay ng mga kapatid. Namasukan si Peng para makatulong sa ama at pinagsabay ang pag-aaral. Grumaduate s'ya ng elementarya na may parangal ma "first honorable mention".
Hanggang sa nakagraduate si Peng ng high school sa sariling sikap. Walang sinayang na araw pagkatapos ng graduation ay namasukan bilang kasambahay upang makapagbigay ng pera sa ama para sa pang-araw-araw ng pamilya. Sa kabutihang palad nagkaroon s'ya ng among mababait. Nagkagusto kay Peng ang pamangkin ng amo n'ya ngunit palaging n'yang iniisip ang kinabukasan ng mga kapatid kaya wala sa isip n'ya ang magkaroon ng kasintahan.
Isang umaga, pinasyalan si Peng ng kanyang ama sa pinapasukan n'ya. Nag-alala s'ya dahil baka manghingi ulit ng pera. Medyo malayo pa kasi ang katapusan para sa sahod n'ya ngunit isang magandang balita ang dala ng ama. Tumawag daw kasi ang tita n'ya para dalhin s'ya sa manila at sinabing pag-aralin din s'ya ng college.Sobrang tuwa ni Peng at hindi pinalagpas ang pagkakataon.
Nagpaalam s'ya sa mga amo n'ya. Dahil sa masipag s'ya, sobrang nanghihinayang sila na aalis na si Peng. Isang buwan at kalahati lang ang pagiging kasambahay n'ya ngunit buong dalawang buwan at may dagdag pa ang binigay na sahod sa kanya. Walang mapaglagyan ng tuwa si Peng dahil makabili na s'ya ng bigas para sa pamilya.
Dumating ang araw na luluwas na si Peng sa manila. Kinakabahan dahil unang beses palang s'ya na makasakay ng barko. Pagkadating sa manila, sobrang nanibago si Peng dahil sa iba ang lingwahe doon. Mabilis din naman s'yang naka catch-up dahil s'ya ay matalinong bata Tinuruan s'ya ng tita n'ya ng mga kaugalian at pananalita sa manila. Madali naman n'yang natutunan ang mga ito.
Lumipas ang buwan, naghintay si Peng na i-enroll s'ya ng college ng tita n'ya ngunit lumipas na lamang ang enrollment ay wala pa rin. Naging malungkot ang buhay dahil naging katulong s'ya doon na walang sahod. Ipinagpasalamat pa rin n'ya dahil may bahay s'yang tinitirhan at pagkain sa araw-araw.
Sa buwan ng desyembre, tumawag ang isang Tito ni Peng na kung pwede pumasyal naman s'ya sa kanila. Nagpaalam naman ng maayos si Peng sa tita n'ya. Gusto din n'ya makasalamuha ang iba n'yang mga pinsan.
Inaakala ni Peng na sa pagtira n'ya sa bahay ng Tito n'ya ay doon na s'ya makapagsimulang maghanap ng trabaho. Dahil sa bago lamang s'ya sa manila ay hindi pa n'ya lubusang alam ang mga pasikot-pasikot na lugar at kung saan pwede mag-apply ng trabaho. Tinulungan n'ya ang kanyang tita(asawa ng Tito n'ya) sa pagtitinda ng kakanin at mga meryenda.
Isang araw, biglang nabanggit ng Tito n'ya ang tungkol sa TESDA. Gusto n'ya akong pag-aralin kahit short course lang dahil mahirap makahanap ng desenting trabaho sa syudad lalo na pag hindi ka nakapag-college. Laking tuwa naman n'ya sa narinig.
Sa kasamaang palad, against pala ang asawa n'ya sa naisip na pagpapaaral kay Peng. Dagdag gastos lang daw ito. Sobrang lungkot ang nararamdaman ni Peng dahil ang buong akala n'ya ay matutulungan s'ya nito. Nag-iisip ng ibang paraan si Peng para makapagtrabaho para makapagpadala s'ya sa ama n'ya. Sa tuwing kumakain s'ya lagi sumasagi sa isip n'ya kung ano na kaya ang kinakain ng mga kapatid n'ya.
Biyernes ng hapon habang naglalakad si Peng pauwi galing palengke, may nakasabay s'ya na kapitbahay na sinabing may kaibigan s'yang naghahanap ng kasambahay. Biglang lumiwanag ang mukha n'ya at hindi nag-atubiling palagpasin ang pagkakataon. Nagpaalam si Peng ng maayos sa Tito at tita n'ya na mamasukan s'ya bilang kasambahay. Pumayag naman sila.
Sa madaling salita, nagsimula agad si Peng sa trabaho n'ya. Ang sahod n'ya ay tatlong libo kada buwan. Ang trabaho n'ya ay pag-aalaga ng bata na apat na taong gulang. Nung una ay maganda ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga amo. Lumipas ang ilang buwan ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kaya pala papalit-palit sila ng kasambahay dahil sa pangit ng ugali ng Lola ng kanyang inaalagaang bata. May pumasok pero aalis lang din pagkalipas ng dalawang linggo or isang buwan. Sobrang pala-utos ang matanda. Hindi pa nga tapos ang unang inutos ay may kasunod na naman. Laging galit at parang laging may kaaway.
Tiniis lahat ni Peng alang-alang sa pamilya n'ya para may maipadala s'ya. Dahil wala ng ibang gustong mamasukan doon, napilitan si Peng na mag all around maid. Yaya sya at the same time Taga luto at Taga linis. Kinaya n'ya lahat at sanay na din naman s'ya sa hirap. Sa sobrang kasipagan n'ya at mapagmahal, napalapit ng husto si Peng sa bata at sa mga magulang ng batang inalagaan n'ya. Kahit saan magbakasyon ang mag-asawa ay isinama s'ya palagi. Binibigyan s'ya ng pasalubong kapag umuuwi galing trabaho. Everytime kasi na aalis sila ng bahay papuntang trabaho ay kakain nalang sila at nakahanda na lahat ng kailangan nila. Alas kwatro pa kasi ng madaling araw ay gising na si Peng upang ipaghanda sila. Kaya din napalapit ng husto ang bata kay Peng dahil umaalis ang magulang n'ya ay tulog pa ito. Kung makauwi naman sila galing trabaho ay tulog na ang bata. Si Peng ang lagi n'yang nakikita.
Sa hindi inaasahan, may bagyo na dumating at nag sanhi ng pagbaha sa subdivision. Laking gulat ni Peng na biglang napasigaw ang amo n'yang matanda sa kalagitnaan ng gabi. Yon pala ay nakapasok na ang tubig sa loob ng bahay. S'ya kasi ang sinisisi kung bakit hindi n'ya pinigilan ang tubig na makapasok sa loob. Umiyak lamang si Peng at bumulong na "hindi ako Diyos at wala naman akong kapangyarihan na pigilan ang baha" sabay tulo ang luha.
Gabi ng biyernes, maaga nakauwi ang mag-asawa. Hinahanap agad si Peng at ang anak n'ya. Ibinalita na magbakasyon daw sila sa dumaguete. Napatalon sa tuwa si Peng dahil kahit papaano ay makapamasyal s'ya at makalabas sa malakaing bahay. Nung narinig ito ng matanda biglang napakunot ang noo. Nagsimula na s'yang magselos kay Peng. Si Peng lang kasi ang nagtagal doon.
Pagkatapos ng isang linggong pagbabakasyon nila, sabay-sabay silang naghapunan. Tahimik lamang si Peng. Biglang nasambit ng mag-asawa na babalik sila sa Canada at dalhin nila ang yaya ng kanilang anak. Biglang nag walk out ang matanda. Narinig ni Peng ang sinabing bakit s'ya lagi ang sinasama. Sobrang nagselos na ang matanda kay Peng.
Isang gabi, habang pinapatulog ni Peng ang alaga n'ya ay bigla s'yang tinawag ng matanda. Hindi daw kasi mabuksan ang kwarto n'ya. Aksidenteng naiwan daw n'ya ang susi sa loob at ang pinto ay naka lock na. Inutusan s'ya na lumabas upang humiram ng martelyo sa kapitbahay na bakla (Taga ayos ng buhok n'ya). Hindi n'ya alam ang bahay ng naturang bading.
Binigyan s'ya ng direction ng amo n'yang matanda na nasa katabi daw ng bakanteng lote. Tinandaan naman iyon lahat ni Peng.
Pagdating sa sinabing dereksyon, nakita n'ya ang bakanteng lote at may nakita s'yang maliit na kubo. Tumawag s'ya at paggalang na sinabi ang pangalan ng bakla "kuya Ronie? tao po", aniya. Walang sumasagot hanggang sa may dumaan na namamasadang trike. Nagtanong s'ya kung kilala n'ya ang taong ito. Sinabi ng trike driver na umuwi pala ng probinsya ang nakatira doon. Sinabi naman ng trike driver na ihatid s'ya pauwi dahil gabi na at madaming loko-loko sa daan.
Hindi inakala ni Peng na lahat ng iyon ay plano ng matanda. Nakaabang ang matanda upang kuhanan si Peng ng letrato upang ibigay sa kanyang anak (ina ng inalagaang bata) na lumabas ako sa gabi at nakipagkita daw sa lalaki. Walang humpay ang iyak ni Peng dahil wala s'yang ginawang masama. Lahat ng utos ay sinunod lamang n'ya. Nagalit ang mag-asawa dahil hindi inakala na magagawa daw ni Peng iyon.
Kinausap ni Peng ang mga amo n'ya na gusto na n'yang umalis sa bahay. Hindi n'ya na kasi kinaya ang ginagawang pagpapahiya at p**********p ng matanda. Sinabi din n'ya na s'ya ay na set-up lamang at wala syang ginawang masama. Naintindihan naman ng mag-asawa ang desisyon ni Peng. Nagpapasalamat sila sa isang taon at kalahating pagseserbisyo ni Peng sa kanila. Kinabukasan na itinakdang araw ng kanyang pag-alis ngunit naudlot dahil biglang na admit sa hospital ang matanda. Nakiusap ang mag-asawa na baka pwedeng i-postpone muna n'ya ang pag-alis. Pumayag naman si Peng dahil naawa s'ya sa kanyang alaga.
Gabi na ng nakauwi ang mga amo n'ya galing hospital. Nagpaalam ulit si Peng na bukas na talaga s'ya aalis at hindi na magbabago isip n'ya. Tahimik lang ang mga amo n'ya. Alas tres ng madaling araw, may naririnig s'yang ingay na parang nagtatalo. Pinakingan n'ya ito habang nag-iimpake ng kanyang gamit. Narinig n'ya na hindi na daw sila makahanap ng kasambahay na magtagal kagaya ni Peng.
Nakaalis na si Peng at dumeretso s'ya sa bahay ng Tito n'ya. Doon muna s'ya nagpalipas ng linggo. Kinausap s'ya ng Tito n'ya na may nag hiring na isang factory ng tsinelas at may kakilala s'ya na pwedeng magpasok sa kanya doon. Natutuwa si Peng at agad-agad pinuntahan n'ya ang naturang kompanya. Inabutan si Peng ng Tito n'ya ng liman-daang peso para pandagdag n'ya sa upa ng kwarto malapit lang sa papasukan n'ya. Hindi pala ikinatuwa ng asawang babae ang pagtulong kay Peng. Tinitext ng masama si Peng sa asawa ng Tito n'ya. Sobrang masakit dahil sinabihan s'yang malandi nito.Hindi naman nagpatinag si Peng at tuloy parin ang buhay at pagpursige para sa pamilya.
Isang buwan ang lumipas at maganda ang takbo sa bago n'yang trabaho. Si Peng ay pansinin ng mga lalaki. Hindi naman s'ya maganda pero malakas ang kanyang s*x appeal. Madaming mga katrabaho ang sumubok manligaw sa kanya ngunit bigo ang mga ito. May isang obsessed na lalaki sa kompanya nila na patay na patay kay Peng. Ligid sa kaalaman na pinagpustahan pala s'ya na kung mapasagot daw ang naturang lalaki ay mananalo ng pera. Naging malapit lahat kay Peng ang mga katrabaho n'ya, lalaki man o babae.
Si Peng ay laging nililibre ni JR (katrabaho ni Peng). Tinanggap lang din ni Peng at bumabawi din naman s'ya nito. Hindi n'ya inakala na may motibo na pala ang lalaki sa kanya. Hindi lang siguro napansin ni Peng dahil lahat naman ng ktrabaho n'ya ay mababait sa kanya.
Isang umaga, maagang pumasok si Peng at sa canteen na din s'ya nag-almusal. Alas otso na ng umaga wala pa si JR. Lumapit ang mga kaibigan ni JR kay Peng at tinanong kung saan ang lalaki. Sinabi ni Peng na hindi n'ya alam. Laking gulat n'ya sa sinabi ng mga kaibigan ni JR,
" ha! boyfriend mo hindi mo alam kung bakit absent s'ya!?" aniya ng mga kaibigan.
Natulala si Peng. Hindi alam kung paano naging boyfriend n'ya si JR.
Kinabukasan, kinompronta ni Peng si JR tungkol sa naging usapin kahapon at tinanong n'ya kung naging sila ba. Biglang namutla si JR. Nag sorry sa kanya at bigla itong lumiban ulit sa trabaho. Kinabukasan na naman ulit s'ya pumasok. Lagi na s'yang pumasok na nakainom at lagi n'ya sinasabi kay Peng na wala pa daw na babae ang naka busted sa kanya.
Umabot na sa point na hinaharass na ni JR si Peng. Pinagbantaan na gagawin ang lahat para mapasakanya ang babae. Sa sobrang takot ni Peng ay napilitan s'yang lumipat ng tinitirhan. Nagpaalam s'ya sa amo n'ya na liliban muna ng isang araw sa trabaho para makapaglipat ng bahay. Pumayag naman sila.
Kinabukasan ay laking gulat ni Peng at may natanggap sya na minsahe galing sa supervisor nila. Sinasabing mag report ito sa opisina dahil may complain patungkol sa kanya. Dali-dali s'yang nag report sa opisina upang alamin kung ano iyon. Pagbungad palang sa pintuan ng opisina ay nauna sa kanya si JR. Nasa isip agad ni Peng na s'ya ang nagreklamo.
Pinaharap kami at pinagsalaysay isa-isa. Nakarating na pala sa head department ang nangyari. Inireport na kasi sya na laging pumapasok na nakainom. Dahil kaibigan naman ang security guard kaya hinayaan lang itong makapasok. Sinabi ni Peng ang buong detalye ng pangyayari. Tahimik lamang si JR. Hindi s'ya nagbigay ni isang salita. Pinauwi na sila at dumetso na s'ya sa bago n'yang nilipatan at nagpapahinga. Napaiyak nalang si Peng dahil hindi natatapos ang mga problema.
Lunes ng umaga, nakatanggap si Peng ng sulat mula sa head department na hindi muna s'ya pwedeng pumasok sa trabaho. S'ya daw kasi ang sanhi kung bakit may kaguluhan sa department nila. Pinagsabihan din s'ya na magpa blotter sa police para sa kanyang siguridad. Pinagbantaan na kasi s'ya ni JR na hanapin at pagsamantalahan bago mapunta sa iba. Hindi mapigilan ang luha sa mga mata ni Peng. Wala naman s'yang ginawang masama pero bakit puro nalang p**********p ang dinanas n'ya........