Chapter 14

1242 Words
Gulat na gulat ako nang bigla akong buhatin ni Castiel. Kaya ko naman kasing maglakad. Sadyang tinatansya ko pa lang kung paano dahil hindi pa ako nakakapag-adjust sa hapdi ng aking sariili. Binasa ko naman ang aking ibabang labi para tanggalin ang kung anong nerbyos na nararamdaman ko. Baka kasi mamaya ay marinig ni Castiel ang kabog ng puso ko at kung ano pa ang kaniyang isipin. Wala sa sarili kong iniyakap ang aking mga bisig sa kaniyang leeg hanggang sa kami ay makarating sa banyo. Mabuti na lamang at hindi siya nagsasalita. Baka kasi mas lalo kong gustuhin na magpakain na lang sa lupa dahil sa kahihiyan. Wala pa man din akong suot na kahit ano. Ramdam ko rin ang init ng kaniyang katawan dahil kagaya ko, wala siyang suot sa itaas. Inilapag naman niya ako sa bathtub. Kaya mabilis kong tinanggal ang aking mga bisig sa kaniyang leeg. Umalis naman siya kaagad sa aking tabi para buksan ang gripo. Pinakiramdaman pa nga niya kung malamig o sobrang init ba ng tubig bago niya binuksan nang sobra ang gripo nang sa gayon ay medyo mapuno naman ang bathtub. “Call me if you need something,” bilin niya sa akin habang nakayuko at nakatingin sa aking gawi. Wala sa sarili ko namang niyakap ang aking sarili dahil kitang-kita niya ang buong katawan ko. Wala ba namang saplot. Malamang baka magpunta pa sa dibdib ko ang mga mata niya. Isa pa, aware akong marami akong marka ngayon sa aking katawan. Hindi ko lang sigurado kung mas dumoble ba ang dami o ganoon pa rin. “Alis,” pagtataboy ko sa kaniya at sinaaman pa siya ng tingin. May naglalaro na naman kasing emosyon doon bago sumulyap sa aking dibdib. Hindi ko tuloy alam kung nakikipagbiruan siya sa akin o talagang gusto niya lang tingnan iyon. Ang gulo kasi ng lalaki pero mabilis talagang mawala ang atensyon nila kung may nakikita silang dibdib o kung ano. “You’re welcome, Twyla Ivelle.” Mas lalong sumama ang timpla ng aking mukha dahil sa kaniyang sinabi. Hindi naman ako nagpasalamat sa kaniya para magsabi siya nang welcome. Kaya alam ko na kaagad na sarcastic ang reply niya sa akin. Minsan talaga ay nakakapikon ang lalaking ‘to. Hindi man lang niya pigilan ang bunganga niyang maging sarcastic. Saka iyong bilin niya na tawagin ko siya kapag may kailangan ako, hindi ko iyon magagawa. Soundproof naman kasi ang kuwarto niya. Paano naman niya maririnig kung ganoon? Kung hindi niya isasara ang pinto ng bathroom at kuwarto niya, puwede niyang marinig ang sigaw ko kung sakali. Kaso kapag isinara naman niya, masasayang lang ang boses at lakas ko sa pagtawag sa kaniya. Kaya mas mabuti na lang na hindi ko sundin ang bilin niya sa akin kung kaya ko namang maglakad. Kaunting practice lang naman kung tutuusin. Sadyang hindi lang kasi malakas ang aking pain tolerance kaya alanganin talaga. Ngunit kung susubukan ko naman, alam kong makakaya ko at masasanay ako. Matapos niyang mamalagi nang ilang minuto rito sa banyo, lumabas din naman kaagad siya para magluto raw ng ramen. Ramdam ko ang bigat ng aking katawan ngayon at mukhang lumalabas na talaga ang lagnat ko. Ramdam ko rin kasi iyong mainit na hininga ko. Para akong inaapoy sa lagnat pero hindi lang makalabas masyado kanina. Tungkol naman sa part na matutulog daw ako rito, mukhang hindi talaga ako makakatulog nang maayos lalo na kung nasa iisang kama lang kami ni Castiel. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya. Sadyang wala lang akong tiwala sa aking katawan. Ngayon pa nga lang na naiisip kong makakatabi ko siya sa kama, nagwawala na ang puso ko. Kaya paano na lang mamaya kung sakali man? Napailing na lamang ako sa aking iniisip. Kung ganito rin lang naman ang mangyayari, bahala na. Alam ko naman na nag-aalala lang siya sa akin at ramdam ko rin naman iyon. Kahit kailan kasi ay hindi naman naging plastic sa akin si Castiel. Sobra-sobra talaga ang pag-aalaga niya kung tutuusin kaya hindi na bago iyon. Matapos kong maligo, nagpunta na ako sa walk-in closet niya para maghanap ng mga damit. Wala kasi akong dalang damit dahil nga biglaan naman ang pagpunta ko rito. Kaya kumuha na lang ako nang itim na shirt niya. Pati boxer na rin niya ay ginamit ko. Bahala na kung ano ang kaniyang sasabihin. Kung hindi niya sinira ang uniform ko, sana may maisusuot pa rin ako. “I told you to call me when you need something,” mariing bulong niya nang makarating ako sa kitchen. Napairap naman ako sa kaniyang sinabi. Wala naman kasi akong kailangan kaya bakit ko siya tatawagin? Saka isa pa, kaya ko naman. Hindi ko kailangan ng tulong niya lalo na ngayon na medyo nakapag-adjust na ako. Nakakapaglakad na rin naman ako pero siyempre, hindi ganoon kabilis dahil nga sa ginawa namin kanina. Sakto naman na nadatnan ko siyang nag-aayos sa hapag. Mukhang tapos na rin siyang magluto dahil wala na ang kaniyang apron. Naka-topless na lamang siya habang nakapamaywang na nakatingin sa akin nang masama. Ramdam ko rin naman ang galit ni Castiel. Marahil ay nag-aalala sa akin dahil nga first time ko rin iyon. Hindi ko rin naman siya masisisi kung makakaramdam siya ng konsensya dahil nasaktan niya ako. Kahit sinong lalaking matino naman basta alam nilang sila ang may dahilan, talagang tatamaan nang konsensya. “Wala naman kasi akong kailangan. Kaya ko namang maglakad,” sagot ko para pakalmahin siya kahit papaano. Baka kasi mamaya ay nagagalit na ang lalaking ito. Tingin ba niya ay susuyuin ko siya? Hindi. Wala namang kami at hindi ko naman alam manuyo ng mga lalaki. Kaya alanganin talaga ang ganoon. “Kaya mong maglakad o pinilit mong maglakad?” tanong niya sa akin. Medyo hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil nagsasalita pala siya nang Tagalog kapag galit. Ayon nga lang hindi kagaya ko na sanay. Siya kasi ay medyo slang pa at halatang hindi sanay pero kahit na papaano, ramdam ko ang gigil niya to the point na nagsalita na lang basta nang Tagalog. “Medyo straight pala ang dila mo kapag nagsasalita ka nang Tagalog?” inosenteng tanong ko sa kaniya para sana asarin pero mukhang maling galaw yata iyon dahil kita ko ang pag-angat ng kaniyang kilay na para bang hindi nagustuhan ang aking sinabi. Umigting pa ang panga ni Castiel pero imbis na matakot ako ay ngumiti pa ako nang inosente sa kaniya bago isandal ang aking bewang sa sink habang nakatingin sa kaniya. Nakakrus din ang aking mga bisig sa aking harapan habang nilalabanan ang kaniyang titig na ipinupukol sa akin. “Twyla Ivelle, this is not the right time to talk to me about that,” sambit niya pero nagkibit-balikat na lamang ako pero hindi tinatanggal ang ngiti sa aking labi. Tumagal pa ang titig niya sa akin pero kalaunan ay napailing na lamang siya na para bang sumuko na lamang. Sa huli, lumapit na lamang siya sa akin at inakay akong magpunta sa dining table nang sa gayon ay makakain na kami. Walang umimik sa amin hanggang sa ipagtulak niya ako nang upuan. Hinawakan niya rin ang aking bewang at siko ko habang tinutulungan akong maupo. Siya na rin ang naglagay ng ramen sa aking bowl habang ako naman ay nanatiling nakatingin sa kaniya. Hindi ko kasi maiwasang mapangiti dahil kahit ganito naman na siya noon sa akin kapag nanggugulo sa condo ko, mas lalo naman siyang naging caring.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD