Chapter 13

1242 Words
Napangiwi naman ako nang maalipungatan ako. Balak ko sanang palitan ang puwesto ko pero masakit ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay para akong nabugbog. Matapos naming gawin iyon kanina, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Hindi ko na nga alam kung ano ang nangyari. Basta ang alam ko lang, hinila na ako nang dilim kanina. “s**t!” malutong na mura ko habang inaayos ko ang aking puwesto. Nanginginig ang hita ko sa pagkangalay kanina pero mas ramdam ko ang sakit sa pagitan ng aking mga hita. Sakto namang bumukas ang pinto sa bathroom, iniluwa roon si Castiel na nakatapis lamang ng kaniyang ibabang katawan. Katatapos niyang maligo at tumutulo pa ang iilang butil ng tubig na nanggagaling sa kaniyang buhok. “You’re awake,” he stated as he combed his hair. “Are you hungry? Do you want me to cook for you—” “Uuwi ako,” putol ko sa kaniyang sasabihin. Matapos ang nangyari sa amin kanina, tinamaan ako nang hiya. Alam ko naman na dapat ay hindi ako nahihiya dahil nagustuhan ko naman pero wala naman kasi kaming malinaw na label at mukhang hindi rin naman magandang matulog ako rito. Ngayon lang kasi sumagi sa isipan ko kung gaano kalala ang ginawa namin ni Castiel. Nag-aaway lang kami noon tapos biglang nagbago ang ihip ng hangin. Ang malala pa, naamin ko sa sarili ko na gusto ko pala talaga siya. Goodness! Bakit naman ganoon? Buong akala ko talaga ay ayaw ko sa kaniya at gusto ko lang mamuhay nang tahimik pero nagseselos pala talaga ako sa fan girls niyang halos hubaran na siya kung titigan nila. I mentally rolled my eyes. Hindi ko alam na selosa pala ako pagdating sa isang lalaki. Paano? Madalas kasing nagsusunog ako nang kilay dahil nga medical student ako. Aral dito, aral doon. Hindi nga ako makagala dahil masiyado akong tutok sa pag-aaral. Mahirap kasing magkamali kapag isang medical student. Kinakailangan kong mag-focus sa lahat dahil isang mali ko lang, baka iba na ang masabi ko o mabasa kong result kung sakaling nagpapa-laboratory test na ang mga pasyente. Kagaya na rin sa mga doctor, lalo na ang mga surgeon. Isang mali lang nila, patay na ang inooperahan nila. Kaya kailangan, maging maingat ang mga kagaya naming nasa medical field. Actually pati nga mga IT ay dapat mag-ingat sila dahil isang mali lang din nila sa coding, magkakamali na ang lahat. Ganoon na ganoon din ang medical students. May klase nga yata ako bukas pero dahil may nangyari sa amin ni Castiel, mas mabuti pang huwag na akong pumasok at lumiban na lang. Magrarason na lamang akong late akong nagising dahil sa pagbabasa ng mga lesson. Nalukot ang aking mukha nang maramdaman ko muli ang hapdi sa gitna ng aking mga hita. Hindi ko maipaliwanag pero napipikon ako dahil sobrang sakit. Abot na abot hanggang sa cervix ko Kung sabagay, hindi naman nakakapagtaka na ganito ang mararamdaman ko. First time ko rin naman kasi at malaki rin ang kaniya. Wala man lang akong idea na nangwawasak pala talaga ang mayroon siya. Sana, naihanda ko pa ang sarili ko. “You’ll stay here. I’ll take care of you,” pigil niya sa akin. Inis ko naman siyang binalingan dahil hindi ko talaga inaasahan na sasabihin niya ang bagay na iyon. Saka bakit niya ako aalagaan? Kaya ko naman. Sadyang nabigla lang talaga ako. Gusto ko ring maligo ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Para akong nilalagnat na hindi ko maintindihan. Baka dahil sa nangyari. Tutal nabigla naman kasi ang katawan ko dahil sa nangyari. “No need. Kailangan ko ring magpunta sa condo dahil magbabasa ako—” “Don’t worry about your class, Velle. I already talked to the president about canceling your department’s class.” Natigilan naman ako sa kaniyang sinabi. Cancel? Nag-cancel siya ng klase sa department namin? Hindi naman nakakagulat na magagawa niya ang bagay na iyon. Smirnov siya at malakas ang kanilang pamilya sa lahat pero really? Nagawa niyang ipa-cancel dahil lang sa akin? “I couldn’t just let you attend your class if you’re sore,” he explained. What the hell? Ganoon ba talaga ang gusto ni Castiel? Aaminin ko namang kinikilig ako pero hindi ko lang maiwasan magulat dahil nagagawa niya ang mga bagay na hindi ko inaakalang gagawin talaga niya. Never niyang ginamit ang kaniyang pagiging Smirnov para lamang mag-cancel ng klase o kung ano pa man. Madalas na gawin niya lang ay hayaan ang lahat. Ngunit nag-iba yata ang ihip ng hangin dahil sa akin. Teka, nagiging assuming na naman ako. Normal lang na gawin niya iyon dahil nga kilala niya ako. Alam niyang nagsusunog ako nang kilay dahil sa course na pinili ko. Baka napilitan lang siyang gawin iyon pero kahit sana huwag na. “Bakit mo ginawa iyon? Kaya ko namang pumasok bukas—” “Explain that to me when you’re not in pain anymore, Twyla Ivelle,” he replied sarcastically. Napanguso na lang ako at umirap sa kaniya. Nagawa pa niyang maging sarcastic sa akin kahit na ang cold ng mukha niya. Nakakapikon! Pinanood ko na lamang siyang magsuot ng kaniyang boxer. Nakatalikod naman siya sa akin kaya walang problema. Gusto ko lang naman kasi siyang tapunan nang masamang tingin dahil ayaw na ayaw kong inuunahan niya ako sa isang bagay. Madalas naman siyang ganoon pero hindi pa rin naman ako sanay. Pagkatapos niyang magsuot ng kaniyang boxer, mabilis siyang bumalik sa bathroom. Mukhang iuwan niya roon ang kaniyang tuwalya tapos babalik na naman dito nang hindi nakasuot nang walang suot na shirt. Proud na proud ibalandra ang maganda niyang katawan. Hindi man lang niya maisip na naiilang ako. Inis na ibinalot ko ang aking sarili gamit ang makapal na kumot. Wala akong saplot pero hindi naman ako nilalamig. Parang pinagpapawisan nga ako nang malamig laya gusto kong maligo sana kahit papaano. “I’ll cook ramen for you since you need to drink your medicine,” saad niya bigla. Napatingin naman ako sa kaniya at napansing pinapadasahan niya nang paulit-ulit ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. Saka teka, iinom ako ng gamot? Para saan? Mukhang naintindihan niya yata ang pananahimik ko. Kaya bigla siyang napalingon sa akin bago buksan ang pinto ng kaniyang kuwarto. “May sakit ako?” naguguluhang tanong ko. “Technically, yes. You have a fever,” sagot naman niya kaagad. Tiningnan ko naman ang kaniyang mga mata para hanapin kung nagsasabi ba talaga siya nang totoo. Wala kasi akong maramdaman talaga. Hindi rin naman ako mainit pero pinagpapawisan ako, iyon lang ang alam ko. Pero dahil sa sinabi niya, mukhang may lagnat lang talaga akong hindi talaga makalabas. Kaya kailangan ay maligo ako. Kaya pala medyo mainit ang buga ng aking hininga. Pati na rin ang talukap ng aking mga mata ay sobrang init. So, possible talaga na may lagnat ako. “Then, maliligo ako. Wala akong maramdaman kasi pero mainit ang talukap ng mga mata ko,” pahayag ko at sinubukang umupo sa kama ngunit napangiwi na naman ako sa hapdi. Kaunting galaw lang, ramdam na ramdam ko na ang sakit doon. Ultimo ang balakang ko, masakit din. Bigla ko namang naramdaman ang mainit na palad sa aking likuran at isang pamilyar na pabango. Doon ko lang naimulat muli ang aking mga mata na hindi ko napansin na napapikit na pala ako habang iniinda ang sakit ng aking katawan. “Don’t force yourself to get up, Velle. Let me carry you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD