“Anak ko ba si Micha?” Matatag na tanong ni Paul na siyang ikinagimbal ko na halos man-laki ang aking ulo dahil sa matinding tensyon. Wala sa loob na muli akong lumingon sa kanya na agad ko ring pinagsisihan dahil sa ginawa ko ay tila nakamit ni Paul ang kasagutan na nais niyang marinig mula sa akin. “Hindi mo anak si Micha, anak namin siya ni Smith.” Matatag kong sagot at pilit na tumitig ng diretso sa kanyang mga mata. Isang nang-uuyam na ngiti ang lumitaw mula sa sulok ng kanyang bibig. “At sa tingin mo ba ay paniniwalaan ko ang mga sinasabi mo? Hm, huwag ako, Shirlie, dahil hindi maikakaila ang lukso ng dugo.” Pagkatapos sabihin iyon ay nagulat ako ng basta na lang niya akong isinandal sa pader. Napaigǐk pa ako dahil sa lakas ng pagka-kahampas ng likod ko sa pader ngunit balewala