Mula sa ilalim ng malaasul na tubig ng dagat ay malinaw kong nakikita ang magandang hubog ng katawan ni Miguri habang sumisisid siya sa ilalim ng tubig. Halos hindi na mabura ang magandang ngiti sa mga labi ko dahil sa kaakit-akit na tanawin na nasa aking harapan. Maya-maya ay biglang umutlaw ang dalaga sa mismong harapan ko at sinalubong ko ng isang maalab na halik ang kanyang mga labi. Kaagad naman siyang tumugon at naging mapusok ang bawat sandali. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa isang rest house na pag-aari ni Miguri. Isa ito sa mga namana niya mula sa kanyang ina. Simula kasi ng lumayas sa bahay si ate Loraine upang panindigan ang responsibilidad nito bilang ina sa kanyang anak ay nalipat sa akin ang lahat ng kanyang pag-aari. Pero hindi ako katulad ng ibang tao na sa-samantala