Chapter 7

2282 Words
7 Ms. Pangil Shawnna Gaile Arcinue I was about to take off his pants when we heard a knock on the door. Noong una ay hindi ko pinansin pero nang magsunod-sunod ang pagkatok ay napaungol ako nang malakas at halos balibagin na ang pinto ng kahit anong madampot ko. "Sandali! Ito na nga oh!" sigaw ko sa kung sino mang istorbo na iyon. Dali-dali akong umalis mula sa pagkakapatong sa kaniya at agad nagbihis. Walang sabi-sabing binuksan ko ang pinto at napataas ang kilay nang makita si Joseph na parang estatwang nakatayo sa harap ng pinto ko. Medyo iniharang ko ang katawan ko sa siwang ng pinto dahil nagbibihis pa si Tanda. "Ano ang kailangan mo?" tanong ko, bahagyang tumaas ang tono. Medyo natigilan pa siya at nag-isip ng sasabihin. "Nalaman ko kasi kay Aling Pearl na umuwi ka raw dito kasama ang isang pulis. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo kaya naman nagpunta ako. Ano 'ng nangyari?" nag-aalalang tanong niya. Napahilot ako sa noo ko dahil sa dahilan niya. "I'm fine. Hinatid lang ako kanina ni mamang pulis dahil siya ang nakakita sa 'king tumakas sa school. Nakatulog ako sa sasakyan niya kaya buhat niya akong ipinasok sa apartment. Tingin ko nakalimutan kong i-lock." That's a lie. Kahit na medyo may katotohanan naman ang iba kong dahilan. Hindi naman niya malalaman. "Ganoon ba?" Napapakamot-batok pa siya. "Bakit nasa labas pa rin ang kotse? Nandyan pa ba siya sa loob?" Pilit siyang dumungaw sa loob pero hinarangan ko lang siya. "Paalis na rin siya. Nag-uusap lang kami." Tumango naman siya. "Sige, babalik na lamang ako sa shop. Sa susunod, i-lock mo na ang apartment mo lalo na kapag nasa loob ka. Akala ko kasi ay umaatake na naman ang sakit mo," sabi niya pertaining to my blood issue. "Ayos lang ako. Hihingi naman ako ng tulong kung alam kong hindi ko na kaya. As of now, kaya ko pa naman at kita mo naman, I'm healthy as usual!" sabi ko habang nakangisi. Nakahinga ako nang maluwang nang magpaalam siya sa 'kin. Doon ko lang isinara ang pinto. Ilang segundo pa akong nakaharap doon at huminga nang malalim nang paulit-ulit. Nang makaharap ako sa kaniya ay nakita kong nakabihis na siya habang nakaupo sa kama at hindi makatingin man lang sa 'kin. Para tuloy akong isang hangin na nasa harap niya at hindi niya nakikita. Humawak ako sa magkabilang beywang ko at saka siya tinaasan ng kilay. "Ano naman 'yang trip mo, Tanda?" "What? It's just normal. After that almost... almost... whatever! Normal lang naman na ganito ang maging asta ko. Hindi ka ba naiilang?" tanong niya nang hindi pa rin makatingin sa mga mata ko. "Mailang? You already saw me naked tapos ngayon ka pa maiilang kung kailan may suot na ako? Huwag ka ngang magpatawa, Tanda!" Nagderetso ako sa kusina at hindi na siya pinansin pa. Mukhang isa lang din siyang walang kwentang lalaki. Kung sakali mang natapos namin iyong... iyong bagay na 'yon ay sa tingin ko hindi na niya ako susundan pa nang susundan. Ganoon naman kasi ang mga lalaki kahit anong klaseng nilalang pa sila! Napahawak ako sa lababo at saka napabuntong-hininga nang maramdaman ko ang isang yakap mula sa likod ko. "Sorry," aniya. "Sorry para saan?" tanong ko sa kaniya, nagtataka sa ikinikilos niya. Naguguluhan ako kung bakit niya ako niyayakap. Gusto ko sanang isiping may gusto na siya sa 'kin pero naisip kong hindi pa naman namin kilala ang isa't isa kaya bakit niya naman ako magugustuhan? "That thing a while ago. Hindi ko sinasadya. Ano naman kasi ang sumapi sa 'yo kanina at ginawa mo 'yon?" bulong niya malapit sa tainga ko. "Nagbibiro lang naman talaga ako. Pagti-tripan lang sana kita pero - " Hindi ko na tinapos ang sinasabi ko dahil alam kong alam na niya kung ano ang tinutukoy ko. Natawa siya sa sinagot ko. "It's okay. Tara na at maghanda. Malapit nang dumilim," aniya. "Akala ko ba naiilang ka? Ano 'tong payakap-yakap effect mo?" tanong ko matapos niyang humiwalay sa pagkakayakap. Humarap ako sa kaniya. "Baka kasi galit ka sa'kin." "Hindi ako galit, a!" "Oh really? Para saan naman ang pa-walk out mo kanina?" Nangapa ako ng sasabihin ko. "Wala lang! Iinom lang sana ako pero n-naalala ko, hindi nga pala kami umiinom ng tubig." Napatigil siya sa sinabi ko at saka ako tinitigan. "What?" tanong ko. "Ganoon naman talaga ang mga gaya ko. Hindi mo na ba ako gusto dahil nalaman mong hindi ako tao?" Natawa siya. "At sino namang may sabing may gusto ako sa 'yo kahit na tao ka?" tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Hindi man lang siya natakot dahil sa mga tingin ko. Kung normal na tao lang ang makakakita ng mga ito, kahit na sinong nakakakilala sa 'kin ay paniguradong masisindak. Pero siya, tinatawanan lang niya ako! What the hell is wrong with this man? "Alam mo, kung alam mo lang talaga kung ano ako, hindi mo ako matatawanan nang ganiyang-ganiyan na lang." Kinunutan niya ako ng noo. "Bakit? Ano ka ba kasi talaga? Are you some kind of a queen?" tanong niya na ikinangisi ko. "Kung iyan ang maitatawag mo." Nagtungo na ako sa kwarto dahil nakita kong malapit na ngang dumilim. Nagpalit na ako ng panlamig dahil wala na akong ibang maisuot. Napansin kong wala siyang balak umuwi at magpalit kaya naman binigyan ko siya ng isang jacket. "Sino nga pala iyong kaninang kumatok?" tanong niya habang sinusuot ang ibinigay ko. "Si Joseph," sagot ko. Lumabas na kami ng apartment ko. Muntik ko na makalimutang i-lock ang apartment, buti na lang at naalala ko ang sinabi ni Joseph kanina. "Sino 'yon?" Sumakay na muna ako sa sasakyan niya. Pinagbuksan pa nga niya ako kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Kinindatan niya lang ako na parang isang manyak. "Just... someone I know," sagot ko nang makasakay siya sa driver's seat. Ikinabit na namin ang seatbelt bago niya binuhay ang sasakyan. "Someone you know? Kamag-anak mo ba?" tanong niya ulit. Ayoko sanang pag-usapan si Joseph dahil baka hindi ko mapigilan ang dila ko. Alam ko namang may privacy pa rin siya at ayoko namang sabihin kay tanda kung anong nilalang si bossing. "Nope! Basta kakilala ko lang. Bakit ba ang dami mong tanong?" "I'm just curious." Napatingin ako sa kaniya at napansing nakakunot pa rin ang noo niya. "You're just jealous." Bahagya siyang napatingin sa 'kin pero binalik din ulit ang tingin sa daan. "Jealous? Hindi ako nagseselos. Na-curious lang ako sa kung sino iyon dahil mukhang sisirain na ang pinto ng apartment mo para lang makapasok." "Sabi mo, e," sabi ko na lang. "I said, I'm not jealous, Bata." "Oo na nga lang," sabi ko, natatawa dahil sa pagiging defensive niya. Nagitla ako nang bigla niyang apakan ang preno at itinabi ang sasakyan sa isang gilid. Marahas siyang tumingin sa 'kin. Matapang ko rin siyang tiningnan sa mga mata pero siya ang unang umiwas. "Okay, fine! I am. Now tell me, sino iyong lalaking iyon?" tanong niya. Mangha naman akong napangisi dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inaasahang sasabihin niya ang mga katagang ito kaya naman may kung anong bagay akong naramdaman sa bandang tiyan ko. Bakit natutuwa ako sa inaasta niya? "He's Joseph. Sinabi ko na, 'di ba?" sabi ko na mas lalong ikinakunot ng noo niya. Ang sarap pala niyang asarin, 'no? "At kaano-ano mo siya?" "Kaibigan?" patanong na sagot ko. "Lang?" Tango lang ang naging sagot ko sa kaniya. Napasabunot na lang siya sa buhok niya dahil mukhang naaasar siya sa ginagawa ko. "Kaibigan mo lang? May nangyari na ba sa inyo?" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa naging tanong niya. "What the hell, Tanda! Ano ba ang pinagsasabi mo riyan? Nababaliw ka na ba? Bakit ko naman gagawin 'yon sa kaibigan ko?" Imbis na sagutin ako ay binuhay na lang niya ulit ang sasakyan at nagtungo sa tunnel. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela kaya kitang-kita ko ang mga ugat niya mula roon. Maya't maya rin ang paggalaw ng panga niya na tila pinagngingitngit ang mga ngipin. Hindi na ako umimik dahil baka ibangga na lang niya ang sasakyan dahil sa pang-aasar ko. "Hindi ka ba natatakot, Tanda?" "Bakit naman ako matatakot?" "Dahil hindi tao ang pwede nating makaharap?" "Sinasanay kaming mga pulis upang maging malakas ang pisikal naming pangangatawan. Isa pa, pinalalakas din namin ang loob namin para wala kaming katakutan." "Pero kahit ano namang gawin mo, hindi pa rin maipagkakailang may kinatatakutan pa rin ang mga tao." "Huwag ka ngang ganiyan magsalita!" bulalas niya at saka bumulong, "Hindi ako makapaniwalang nagkagusto ako sa kakaibang nilalang." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Bubulong pa kasi eh rinig ko naman. Napatingin siya sa 'kin kaya naapakan niya bigla ang preno ng sasakyan. "Ano ba! Tanda, ayoko pang mamatay! Marami pa akong gustong gawin," sigaw ko. "D-Did you just smile?" tanong niya. Pabalang ko siyang tiningnan. "What? Ngumingiti naman ako sa 'yo, a? Bakit ngayon ka pa nagulat?" "No. Iba iyong ngiti mo kanina. H-Hindi nakakatakot." Binatukan ko naman siya dahil sa pang-iinsulto niya. "Nakakatakot ba talaga akong ngumiti?" malumanay na tanong ko. "Hindi naman sa gano'n..." "Hindi, e. Simula noong pumasok ako sa St. Marcel, natatakot sila kapag nginingitian ko sila. Wala na tuloy akong ibang nagawa kung hindi ang magseryoso." Inihinto niyang muli ang sasakyan at saka ako hinarap. Hinila niya ako palapit sa kaniya at tinitigan ang mga mata ko. "Hindi ka nakakatakot, Shawnna. Kailangan mo lang maging totoo. Ngumiti ka nang totoo. Ngumiti ka dahil masaya ka." Medyo nabigla ako dahil tinawag niya ako sa pangalan ko pero hindi ko na masyadong pinagtuonan ng pansin. "Pero wala naman akong dahilan para ngumiti. Hindi naman ako masaya. Paano ako ngingiti?" Napabuntong-hininga siya at hinawakan ang kanang pisngi ko. "Hindi ba pwedeng ako ang maging dahilan?" NANG MAKARATING kami sa tunnel ay inihinto ni Tanda ang sasakyan sa isang gilid. Agad akong bumaba at sinuri ang lugar. Madilim ang paligid. Sa magkabilang gilid ng daan ay mataas na batong may mga sanga ng puno at ligaw na dahon. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang loob ng tunnel. Sa tingin ko ay malaki ang porsyentong magpunta rito si Ms. Pangil dahil liblib at sobrang dilim lalo na kapag gabi. May nagsasabi rin sa loob ko na maaaring ito ang lungga niya. Ang nakapagtataka ay bakit hindi pa rin siya hinuhuli gayong napakadaling ma-corner ni Ms. Pangil kapag hinintay nila sa magkabilang dulo ng tunnel. Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang may marinig akong kaluskos. Nagkatinginan kaming dalawa ni Vicente. Sinugatan ko ulit ang sarili ko, ang tanging naiisip kong paraan para mapalabas si Ms. Pangil. Hindi naman kami nabigo at narinig na namin siya. Isang kaluskos ang nakapagpatigil sa 'min sa paglalakad, para itong tsinelas na kinakaladkad. Hanggang sa may narinig akong bumagsak na timba sa hindi kalayuan. Dahan-dahan kaming naglakad palapit sa tunog na iyon. Inilabas ni Vicente ang baril niya. Hinayaan ko na basta ay binalaan ko siyang hindi namin papatayin si Ms. Pangil. Habang papalapit kami ay unti-unti kong naaaninag ang isang bulto ng tao na nakaalalay sa isang timba gamit ang kaniyang isang paa. Unti-unti ring gumulong palapit sa 'kin iyong narinig kong tumumbang timba kanina. Saglit akong pumikit at huminga nang malalim bago unti-unting dumilat. Kahit na wala akong hawak na flashlight gaya ni Tanda ay naaaninag ko na ang paligid. Nagkalat ang mga walang lamang timba sa paligid. Napansin ko ring pataas ang daan kaya madaling gumugulong ang timba patungo sa 'min mula sa pwesto ng bultong nasa harap namin. Inihinto ko ang paggulong ng timba gamit ang paa ko. Naramdaman ko ring napatigil ang taong kaharap ko nang mapansin kami ni Tanda. "Ikaw ba si Ms. Pangil?" tanong ko sa kaniya. Nasagot naman ang tanong ko nang makitang inilabas niya ang mga pangil niya. Hindi na rin ako nagulat nang makitang buhaghag ang kaniyang buhok at bahagyang natatabingan ang mukha. Narinig ko ang pagkasa ni tanda ng baril kaya sinamaan ko siya nang tingin. Nagkibit-balikat siya. Hinayaan ko na dahil iniwas naman niya ang nguso ng baril sa dereksyon ni Ms. Pangil. Muli kong itinuon ang atensyon kay Ms. Pangil. "Pwede ba kitang makausap? Iyong maayos?" Unti-unti naman akong lumapit sa kaniya pero bigla niya akong inakmaan. Naitaas ko na lang bigla ang dalawa kong kamay. "Woah! Easy there, buddy. Gusto lang naman kitang makausap. Kung ayaw mo ng usap na matino, sige ganito na lang kahit malayo tayo sa isa't isa," sabi ko. Naghintay pa ako ng ilang segundo pero mukhang wala talaga siyang balak na magsalita. Napabuntong-hininga ako. "Bakit ka pumapatay ng mga inosenteng tao?" tanong ko pero hindi pa rin siya sumasagot. "Mukhang hindi naman nagsasalita ang isang ito," sabi ni Tanda. "Hindi pwedeng hindi siya magsalita," saad ko. Mukhang kailangan ko siyang masindak para mapagsalita kaya naman wala na akong naisip na ibang paraan. Inilabas ko na ang alas ko. Unti-unting naging pula ang mga mata ko. Nanlilisik ang mga iyon nang tingnan ko si Ms. Pangil. Lumabas ang mga itim na ugat sa paligid ng mga mata ko at dahan-dahan iyong tumitibok. Bahagya ring tumubo ang dalawang sungay ko sa noo at namula ang buong mukha ko. Naramdaman kong napaatras si tanda sa tabi ko. Ganoon din ang naging reaksyon ni Ms. Pangil at mukhang nakilala na kung sino ako. Ganiyan nga! Masindak kayo sa reyna! "Ngayon, siguro naman sasagutin mo na ang tanong ko. Bakit ka pumapatay ng mga inosenteng tao?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD