16 Phenomenon Shawnna Gaile Arcinue "Who is she?" tanong ng babae, nakataas ang isang kilay habang nakaturo pa sa 'kin. Nakatayo siya sa harap ng table ni Tanda kaya siya ang una kong nakita. Hindi ko maiwasang tingnan ang babaeng iyon mula ulo hanggang paa dahil sa sinabi niya. Mas matangkad siya sa 'kin kahit na sa totoo kong anyo. Seductive eyes, nose and lips. Her whole body screams seduction! "I'm Shawnna. Who are you?" tanong ko rin at hindi pinakitang tinitingnan ko ang kabuoan niya. "Chelsea," aniya sabay lahad ng kamay niya. Akmang tatanggalin ko na ang pagkakahawak niya nang bigla niya iyong hilahin palapit sa kaniya. Dahil mahina ako ay para lang akong papel na lumipad palapit sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa mga mata niyang nakatingin din sa 'kin. As