Unedited--expect typos, wrong grammar and wrong spelling. HINDI na hinintay ni Zarina na pagbuksan siya ni Andrew ng pinto ng maipark nito ng maayos ang minamanehong kotse sa parking lot ng race track na pinuntahan nilang dalawa. Niyaya niya si Andrew na manuod ng car race. Isa kasi ang bestfriend niyang si Brooke na makikipagkarera ngayong araw. At gusto niyang suportahan ang kaibigan. Actually, member sila ni Brooke ng mga car racers sa Manila. Ilang beses na rin silang nakipagkarerang dalawa ni Brooke. At hindi naman sa pagmamayabang ay nananalo din naman sila. Hindi pa sila umuuwi na luhaan na dalawa. Hinintay ni Zarina na makalabas si Andrew mula sa sasakyan. At nang makita niya itong lumabas ay napansin niya ang pagkunot ng noo nito. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha