NAGMAMADALI si Andrew na makarating sa ospital kung saan isinugod ang kapatid niya na si Andrea. Halos paliparin niya ang sinasakyang kotse. Ayon sa sinabi ng ina noong tawagan siya nito, inubos daw ni Andrea ang sleeping pills na iniinum nito. Mabuti na lang daw at nakita daw iyon ng ina at naitakbo agad ito sa ospital. And according to her mother, her sister is still unconcsious. Hindi naman nagtagal ay nakarating na siya sa kilalang ospital. Nang maipark niya nang maayos ang minamanehong kotse ay lumabas na siya ro'n at halos lakad takbo ang ginawa niya makapasok lang siya sa loob ng ospital. Agad niyang hinanap ang kanyang ina. Nakita niya ito sa labas ng emergency room. Nakaupo at tahimik na umiiyak. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago siya naglakad palapit rito. "M