"SO, ano? Tititigan mo lang ba ako buong magdamag o mag-uumpisa ka na mag-kwento?" Nakataas ang isang kilay ni Brooke habang nakatingin sa kanya. Nandito silang dalawa sa kwarto niya. Makiki-sleep over kasi si Brooke sa kanila at tabi sila na matutulog na dalawa. Ngumuso naman si Zarina. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang isang unan at inilagay niya iyon sa hita niya. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng unan at nag-umpisang mag-kwento. "Uhm, alam mo naman iyong nangyari sa akin sa bar, di ba?" Tumango naman si Brooke. "Iyong muntik ka ng mapahamak dahil may gagong lalaking naglagay ng drugs sa inumin mo?" Sabi ni Brooke. Tumango siya bilang sagot. "At iyong lalaking tumulong sa akin noon ay walang iba kundi si Andrew," pagbibigay alam niya rito. "Oh," tanging bulalas naman