Kabanata 4

1939 Words
Kapag masaya ka, wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam. That was what I felt right now seeing myself in front of the mirror while wearing my all white strapless mermaid wedding dress studded with pearls and beads. My hair was perfectly tied in a bun while some tendrils scattered on my cheeks which made a highlight of my face's light makeup. I smiled and rested my hand on my chest, feeling it as it couldn't stop from beating loudly. I have never seen myself being this beautiful my entire life. Ngayon lang. . . Sa araw ng kasal ko. It has been few months since Clark asked my hand in marriage. Tulad nang sinabi nito, pakakasalan niya ako sa lalong madaling panahon. And I couldn't agree more. It was indeed fast for it only took him few months to prepare everything. Wala akong ginawa kundi ang maghintay at sabihin ang gusto ko. Periwinkle, that was my chosen motif. "Shane. . ." Narinig ko ang boses ni Mommy mula sa aking likuran. Nilingon ko ito. I smiled to her instantly. "Hi, mom," I greeted. "You look so beautiful, anak. Handa ka na ba?" she asked with a smile on her face. "Opo." Lumapit si Mommy sa akin at niyakap ako nang bahagya. In teary eyed and stuttering voice, she said, "I-I am happy for you, anak. Finally, matutupad na ang isa sa pangarap mo. You've met the right man, Shane. Pinapahanga ako ni Clark sa lahat ng bagay." Nanubig din ang aking mga mata. "Ako nga rin po, 'my. And, thank you for helping him." I was talking about how she helped Clark prepared the wedding. Silang dalawa ng magiging biyanan ko ang tumulong kay Clark sa lahat. Nasa Siagao pa rin kasi ako nang mga nakalipas na buwan. Kauuwi ko lang noong isang linggo para magsukat ng gown. Though, I was updated in everything, Clark insisted that all I should do was to wait for this day. And yes, I did. "Si daddy po?" tanong ko nang mapansin na wala si dad. Umiling si mommy. "Nasa labas. Natatakot pumasok at baka raw hindi niya kayanin at iuwi ka pabalik ng bahay." Then she chuckled. Natawa rin ako. After all this time, over protective pa rin si daddy sa akin na kaya niyang ipagdamot ako kahit sa araw mismo ng aking kasal. I was still his baby girl, kahit lampas na sa kalendaryo ang edad ko. At kahit nang ipakilala kong boyfriend si Clark ay tutol siya pero sumang-ayon din kalaunan. Naging mas close pa nga sila. "Tara na?" Inabot sa akin ni Mommy ang isang bouquet ng pink and white roses with baby's breath.  Kinuha ko iyon at inamoy. Napangiti. "Let's go, Mom." Sabay kami ni Mommy na lumabas ng silid. Nahihirapan pa ako dahil sa suot na Victoria's Secret white heels. Mabuti na lang nasa labas ng silid si daddy at kaagad akong inalalayan. Natanong ko nga kung bakit hindi siya pumasok sa loob, pero ang sabi niya, natatakot siyang umiyak kapag nakita akong suot ang wedding dress. It was weird though. Nakikita niya rin naman ako ngayon. But he insisted, it was different from a close room than an open space. "Dederetso na po kami sa simbahan, mom, dad. Malapit naman po rito ang Manila Cathedral. Mauna na po ako sa inyo," paalam ko kina mommy at daddy nang marating namin ang parking lot ng Bayview Park Hotel Manila. "Mag-iingat ka. Nakausap ko na si Anna, nandoon na sila sa simbahan." My mom was obviously happy. Kitang-kita sa mga mata nito ang kasiyahan. Tiningnan din nito si dad at nginitian. Tumango ako. Hearing Tita Anna's name, Clark's mom, made my heart flutter in excitement. Isa rin kasi ito sa tumulong kay Clark at sa kasal namin. Though, I already sent my gratitude towards her, it was a total different if I could talk to her longer. Na kaming dalawa lang. Kinulang kasi kami sa oras nang mga nagdaang araw dahil abala pa rin ito. And promised to talk again. Mas marami pa raw kasi itong ituturo sa akin bilang asawa ng anak nito. Same as what my mother told me. Kailan ko pa raw ng seminar kung papaano maging isang mabuting asawa. "Sige po, mommy. Mag-iingat kayo. Mauna na po ako." I waved before I turned to the white SUV. Ito ang maghahatid sa akin sa simbahan. Agad naman akong pinagbuksan ng nakaunipormeng driver. "Salamat," wika ko. Sinulyapan ko pa sina mommy at daddy bago tuluyang maisarado ang pinto ng kotse. Huminga ako nang malalim. "Kuya, sa Manila Cathedral tayo, ah," pabirong sabi ko. "My pleasure." Nagulat ako sa boses nito. Buong-buo iyon. Ngunit, ipinagsawalang-bahala ko na lamang ang lahat. Umiling at mas piniling manahimik at pagmasdan ang tanawin na nasa labas ng sinasakyan. Buildings, towers, houses and establishments. Tipikal na hitsura ng isang maalwan ngunit maingay na lungsod. Perfectly described a busy city, as well as busy people. Something that a secluded area couldn't offer. Pero kung papipiliin ako kung saan ang gusto ko, I would rather chose a peaceful place where green's were life, than living crowded and toxic environment where judgemental exist. Umiling ako. Napakunot ang noo nang mapagtantong kanina pa kami sa biyahe pero hindi pa nararating ang Manila Cathedral. Muling kong pinagmasdan ang labas ng bintana at nakita ang malaking signage ng Monterio Hotel. Bakit kami nakarating ng Makati? "Ah. . . Manong, sa Manila Cathedral po tayo," wika ko. Biglang kinutuban. I focused my eyes at the front seat and realized there were two men inside. All were wearing black suits. Ang isa ay nakapokus sa pagmamaneho habang ang isa naman ay ang siyang nagbukas ng pinto sa akin kanina. Ano ang nangyayari? I panicked. Lalo na nang mas binilisan nito ang pagpapatakbo. Shit! It is not happening. "Manong, sa Manila Cathedral po," ulit ko. Pilit winawaksi ang nararamdamang pangamba. I needed to come down. Wedding day ko ito, alam kong magiging maayos ang lahat. "I know." Sa wakas ay nagsalita ito. "But I am not going to take you there." "A-Ano'ng. . ." Naputol ang sasabihin ko. Halos mapunit na rin ang crepe paper na bumalot sa hawak kong bouquet sa higpit ng pagkakahawak ko niyon. "Sino kayo?!" The panic I felt a while ago risen. Sinisi ko ang sarili nang mapagtantong masyado akong naging kampante na kahit ang maliit kong bag ay hindi ko man lamang nagawang dalhin. I should have use my phone to call some help for now. I should ask help. Ano ang gagawin ko? Ngumisi sa rearview mirror ang lalaking nagmamaneho. Sinulyapan naman ako ng isa. Mas lalong nangatog ang aking binti nang kumislap sa kanilang mga mata ang kakaibang emosyon at ang ngisi sa kanilang mga labi na alam kong may binabalak na masama. "Please, kung ano man ang binabalak niyo, itigin niyo na." Though I felt scared, I still managed to act normal. I should be. Hindi dapat ako mataranta at magpakita ng takot sa kanila. Both of them chuckled. Nagsalita ang nagmamaneho, "Kailangan ka namin kaya pasensiya na Miss. Trabaho lang." "S-Sino?" Walang sumagot. Binitiwan ko ang bouquet at mahigpit na hinawakan ang handle ng pinto ng kotse. I tried to open it but I failed. "Buksan mo ang pinto!" I was shouting and continuously pulled the handle. Mas lalong nagtawanan ang dalawa. "Relax lang. Hindi ka namin sasaktan. Pero kapag naging matigas ang ulo mo, sorry again," nakakalokong sambit ng isa. Napasapo ako sa aking mukha. Hindi ko alam ang gagawin. Sino ba ang may kailangan sa akin? Bakit sa mismong araw pa ng kasal ko? Bakit ako kailangan? Wala naman akong naging kaaway sa mga nakalipas na araw. My mind was clouded with thoughts. Paano na ang kasal namin ni Clark. Si Clark! Remembering my fiance who was waiting for me made me cry in agony. Nasasaktan ako sa isiping nakatayo siya sa harap ng altar habang nakatanaw sa labas ng pinto ng simbahan kung saan ako papasok. It was madness. Gusto kong saktan ang mga taong kasama ko. "Itigil niyo na ito!" Tumigil bigla ang sasakyan. Sinubukan ko muling buksan ang pinto ng kotse ngunit naka-lock iyon. "s**t!" I cursed out of frustration. That was it. Naputol na ang pagtitimpi ko. Nagsimula akong mawalan ng pag-asa. Lalo na nang may pumasok na dalawang lalaki at maupo sa tabi ko. They looked dignified in their black suits. So why the hell they did abducted me? "Sino kayo? Ano ang kailangan niyo sa akin?" Nilingon ko ang dalawang lalaki. Tinitigan nang mariin. Hindi ko pa sila kailanman nakita. Hindi rin sila kasama nang iniligtas kong lalaki. Natigilan ako. Hindi nga ba? "Kasamahan ba kayo ni Akihito?" I asked. My throat went dry. May posibilidad kaya na kasabwat niya ang mga ito? Ito ba ang ibig sabihin ng letter na ibinigay niya sa akin. Sa naisip ay gusto kong saktan si Akihito. Wala siyang karapatan na gawin ito sa akin. Wala. Dahil matagal nang tapos ang naging ugnayan ko sa kanila at sa master na tinatawag niya. Kung tutuusin, wala akong naging ugnayan sa kanila. Iniligtas ko lang ang buhay ng master nila, hanggang doon lamang iyon. "Hindi ko kilala ang sinasabi mo, pero kilala ko ang nag-utos sa akin. Manahimik ka na lang kung ayaw mong busalan ko 'yang bibig mo," mahinahong wika ng katabi kong lalaki sa kanan. His expression never changed as he stared at me. Stoic and ruthless. Nakakatakot. But I should never feel being scared. Kahit ang totoo, kanina pa nanginginig ang mga tuhod ko. "Kapag nalaman ng fiance ko na nawawala ako, you will all rot in hell! Hinding-hindi siya titigil hanggat hindi ako nahahanap!" I said, teary eyed. Wala akong pakialam kung masira ang makeup ko sa mukha. I did not care at all. All I cared was on how to escape this situation I am in. "Miss, mabuti pa, tumahimik ka na lang. Ang dami mong sinasabi," wika ng nagmamaneho. "Kung mahahanap pa kami ng jowa mo." Natawa ang nasa kaliwa kong lalaki. Nagpupuyos ang aking dibdib. Mga walang puso! Papaano nila nagagawa sa akin ito? Tuluyan na akong napahagulhol. Ito na ba ang katapusan ko? "Tama na ang pag-iyak. Tayo!" utos ng isa. Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay sa aking balikat. Agad akong napapiksi. "Don't you dare touch me!" Doon ko lamang napagtanto na malayo na kami sa Metro. Tumigil na rin ang sasakyan. Nasa open space kami at tanging malawak na runway ang nakikita ko na may isang helicopter sa gitna. Nasaan na ako? "Please, wala kayong makukuha sa akin. Pakawalan niyo na ako!" pagsusumamo ko. "Sa 'yo, wala. Sa boss namin, meron!" Sino ba ang sinasabi nitong boss? Tinangka muli ako nitong hawakan. I couldn't stand it, enough reason for me to hit his face. "P*ta! Matapang ka talaga!" Walang anu-ano'y binuhat ako ng lalaki. Sumigaw ako. Nagwala. I tried to hit his back. Natawa lamang ito. I tried to kick, but my dress was too heavy and long. "Help!!!" I shouted in desperation, hoping that someone would hear me. "Papalag pa kasi." Padabog akong naisakay sa loob ng helicopter ng lalaki. Masakit. Napaigik ako. Napaiyak. "Patahimikin na natin ito. Ang ingay!" That was when I felt someone put a cloth on my nose. Alam ko ang amoy niyon. Chloroform! "N-No!" I mumbled and wiggled. Nanlaban ako sa abot nang aking makakaya. Pero bigo ako. Unti-unti ay tila nawawalan ako ng lakas. I felt restless. Doomed. Hanggang sa naramdaman ko na rin ang unti-unting pagbagaak ng aking mga talukap. Napangiti ako nang mapait. My supposed special day became a nightmare of me in an instant. Save me, Clark! @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD