Chapter 6

1033 Words
Chapter 6 Isang maputing kwarto na malapad at walang hangganan ang nakikita nang aking mga mata. Sa baba naman nito ay tila tubig na hindi gumagalaw habang inaapakan. “Nasaan ako?” Sabi ko sa sarili. “Magandang araw, Griffin” isang malakas na boses na bumuo sa malaking kwarto. Nagulat ako sa nagsalita. Ito ay boses nang isang lalaki na parang may kalakihan. Isang malaking transparent na mukha ang bihlang pumo porma sa harapan ko. “Si—sino ka?!” Gulat at takot kong sabi. Halos matumba ako sa kinatatayuan. “Ako si No Face” sabi nito. “No face? Eh may mukha ka naman, ang katawan ang wala” pilosopong sabi ko kahit natatakot sa biglaang pagsulpot nya. Totoo naman kasi, ang kanyang mukha ay malaki at ang transparent ay naging mas klaro na sa harapan ko. Parang projector ba ito? “Tawag lang yan sa akin.” Dagdag nito. “Nasaan ba ako?” Tanong ko sa kanya “Ito ang parang langit nang mundo nang Valeria. Ikonsidera mo akong manager mo dito.” Sabi nito Napakunot lang ang noo ko sa sinabi nya. “Ha? At saka prank ba to? Alam kong nananaginip lang ako.” “Hindi ito panaginip at mas lalong hindi ito prank. Pinili at pinatawag kita mulansa mundo nyo para iligtas ang valeria.” Sabi pa nang malaking parang hologram. Natawa naman ako bigla sa pinagsasabi nang dambuhalang mukhang ito. “Ha? Ako tagapag ligtas? Nagpapatawa ka ba?” Sabi ko dito habang tumatawa “Hindi. Seryoso akong nilalang” sabi pa nya at ang mukha ay naka poker face nga. “Ahh…” sabi ko na parang hindi sumasang-ayon. “Hindi ito biro. Totoo na andito ka sa Valeria at makakabalik ka lang sa inyo pag ito ay nagawa mo na,” sabi nya “Bakit ako? Hindi naman ako isang tagapag ligtas,” sabi ko sa kanya. Tumingin naman ito nang seryoso bigla sa akin sabay ngisi nang malapad. Ha? Parang nasabi ko tuloy sa utak ko. Para kasing may sayad sa utak ito. O baka naman eh nabaliw na din ako at kung saan-saan lumilipad sng isipan ko. “Magaling ka, hindi mo lang alam” sabi nito. “Nakita mo ba buhay ko bago ako napadpad dito? Isa lang akong gamer na palumunin kahit trabaho wala ako. Tapos magaling? Sino niloloko mo?” Sabi ko sa kanya. “Eksakto!” Sabi nito at tumawa nang malakas. “Kailangan ko nang magaling na gamer para d na mahirapan sa mga gawain sa mundong ito. Ikaw ay may kapangyarihan dito.” “Anong kapangyarihan?” Naguguluhang tanong ko pero tila d na ito nakikinig sa akin at patuloy lang sa magsasalita. “… ikaw ay magiging hero nang mundo nang Valeria at mananalo sa mga quests.” “Ikaw ay magsisikap lumakas gamit ang iyong kapangyarihan at tutulong sa pag puksa nang isang masamang nilalang! Sana ay magtagumpay ka at nang makabalik ka saiyong mundo. Dahil kung hindi at nasira ang Valeria, kasama ka ding papanaw sa mga tao dito.” At isang ma demonyong tawa ang umalingawngaw sa lugar at unti unting naglalaho ito. “Teka!” Sambit ko pero bigla nalang… “Aray!” Napasigaw ako sa hapdi. Paglingon ko ay may isang babae ang nakauppnsa gilid ko na haatang nagulat din. “A—ano po… yu-yung ano…” sabi nya na nahihiya at may tinuturo sa bandang noo ko. “Ha?” Sabi ko sa sarili at kinapa ang tinuturo nya. Nagulat ako sa nahagip nang kamay ko. Matulis na bagay at may parang sinulid. “Ano to!” Sigaw ko at tila babangon na pero pinigalan nnya ako sabay kuha nang salamin sa gilid nya at hinarap sa akin. “Hi—hindi pa po ako tapos…” sabi nito nang mahinhin. Basa sa mukha nya at parang mas bata ito sa akin nang sampung taon. Pagtingin ko sa salamin ay isang karayom at hibla ang naiwan sa aking noo. Tinatahi nya ito… bakit? “Ano to?” Sabi ko “Na… ano po, na—“ sabi nito Napakunot ang noo ko. Ano ba gusto nitong sabihin. “Wag mo tinatakot ang alaga ko,” sabi bigla nang boses matanda sa likod ko. Agad naman ako lumingon at tinignan sino ang nagsasalita. Isang matandang baba ang lumapit sa akin at hinawakan ang noo ko at tinignan ang may sugat. “Magaling sa pagtahi, Ayeng” komento nito Ha? “Sino ka?” Sabi ko dit “Ang may-ari nang bahay na ito. Nakita ka namin sa daan. Sinaktan ka ba nang mga taga dito sa Edgeville?” Sabi nito at bigla nalang nag flashback ang mga nangyari sa akin na pinagbabato nang mga bata. “Totoo pala yun,” bulong ko sa sarili “Malamang” sagot nang matanda sabay lakad patungo sa lamesa. “Ako si Tandang Sora, tumutulong ako sa mga taga ibang mundo na dumadayo dito. Ang Edgeville ay puno nang mga tao na may galit sa mga Earthians. Yan ang tawag sainyo” Teka… earthians? Earth! “So totoo pala ang mga sinabi non?” Nasambit ko bigla. “Isa sa inyo ang sumira sa nayon na ito, ilang taon na ang nakalilipas. Yun ang tingin nila pero alam ko ang totoong nangyari. Isang mailap na halimaw ang nagpakita dito sa nayon at nagkataom ay merong Earthian dito na bumubisita. Nung una ay gusto nang mga tao ang mga lahi nyo pero simula nang inatake dito nang isang halimaw na tila d nakikita ay sunod sunod ang nasisirang bahay at marami rami ang namatay noon. Sumulong ang earthian sa halimaw at pilit pinaglalaban ang nayon na ito pero nakita ko mismo ang nangyari. Bata palang ako noon, nasa kakahoyan ako dahil kumuha ako nang pang gamot sa nanay ko. Isang earthian ang lumalaban sa halimaw sa di kalayuan at nakita ako at sinugod nang halimaw pero prinotektahan ako nang lalaking iyon kahit hindi kami magka kilala. Pero sa huli, hindi nito napatunba ang halimaw at nasawi ang kanyang buhay sa gubat. Hindi alam nang mga taga dito. Ang akala nila ay tumakbo ang earthian at hindi sila tinulungan,” sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD