Chapter 68: Aira's Past
Winter's POV
Pilit kong pinatatag ang mukha ko at hindi naglabas ng anumang emosiyon.
Nilingon ko ang ibang kawal at yumuko naman sila.
"Bring them in our Healing Room."
"Masusunod, mahal na prinsesa."
Yumuko muli ang dalawa bago inalalayan sina Autumn na pumunta ng Healing Room.
Akmang tatalikod na ako ng hawakan ako ni kuya sa pulsuhan at namalayan ko na lang na nasa aking silid ko na kami, ang bilis niyang msgteleport tsk.
"Winter!"
"What?!"
"I've asked you didn't I?!"
"Eh bakit naninigaw ka?!"
"Eh sinisigawan mo rin ako e!"
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit sinamaan niya rin ako ng tingin, s**t! this can't be, galit talaga si kuya at kahit anong pag galit galitan ko ay hindi siya madadala.
"Where have you been?"
"tsk, sa Academy."
"Saan pa?"
Napataas naman ako ng kilay sa tanong niya, alam niya ba yung tree house?
"Where else i could be?"
Pinaningkitan niya ako ng mata na para bang sinusuri ako at nagtatakha.
Matagal iyon bago ako samaan ng tingin.
"Tsk, fine I won't ask you anymore!"
"tsk!"
"Tigilan mo'ko sa kakasagot mo ha, hindi ako natutuwa."
"Sino ba kaseng may sabi na matuwa ka?"
"Winter!"
"What Again?!"
"Ugali mo!"
"Anong meron?! matagal nakong ganito kuya!"
"That's why baguhin mo!"
"No! I don't and I won't!"
"Winter!"
"What?! pipilitin mo'ko? kung babaguhin ko ang ugali ko ay hindi na ako iyon! eto ako! eto ugali ko, ganto ako pinalaki ni Uncle, kahit si Uncle ay hindi nagreklamo sa ugali ko! bakit ikaw nagrereklamo? ikaw ba nagpalaki sa'kin?!"
"Winter, your language!"
"What?! isn't true?!"
"You've crossed the line!"
"Hah! ako pa?! e ikaw itong pinipilit ako! magbabago ako kung kelan ko gusto, gagawin ko ang lahat ng gusto ko, at walang makakapigil sa'kin kahit ikaw!"
"I just want you to be in good! masama ba iyon?!"
"So this is the good that you want?! ito na ba iyon?! ha! nakakatangina kuya!"
"I told you watch your language!"
"No--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong sampalin.
Bahagya akong natigilan at hindi makapaniwala, nanatiling nakatagilid ang mukha ko, ramdam ko ang hapdi ng kanang pisnge ko.
"Winter...I-I'm sorry..."
"Hah!"
Hindi makapaniwalang bulalas ko, matapos iyon ay saka ako ngumisi ng matunog.
Walang emosiyon ko siyang tinignan saka ako tumalikod upang maglakad paalis ngunit kaagad niyang hinawakan muli ang aking pulso.
"Winter!"
tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pulso, mukhang napansin niya naman iyon dahil parang napapaso niyang binitawan ang aking pulso.
Walang emosiyon ko lang siyang tinignan saka tumalikod upang umalis sa lugar na iyon, baka kung ano pang magawa ko kung mag i stay ako rito. ngunit napatigil ako sa paghakbang ng magsalita siya.
"W-winter! w-wait, Look, I'm sorry okay I didn't mean i---"
Bigla akong humarap sa kaniya at malamig siyang tinignan.
"Did i ask your Explanation?"
Malamig kong tanong sa kaniya, bahagya pa siyang natigilan sa paraan ng aking pagsasalita.
Hindi ko na siya inantay pa na magsalita at kaagad akong nagteleport sa Healing Room.
"Ay putangina!"
Saktong pag teleport ko ay sa harap ni winter na nakaupo sa isang kama kung saan nakahiga ang kaibigan niya.
Hindi ko pinansin si Autumn saka ako dumiretso ng higa sa sofa na naroon.
"Hoy winter, Anyare sa iyo?"
Tinignan ko lang siya ng naka poker face yung tingin na Don't-ask-me-look.
Kaya naman agad siyang umiwas ng tingin, matunog akong napasinghal sa ginawa niya.
"tsk."
Matapos ay ipinikit ko ang aking mata, pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Kahit kailan ay wala pang sumampal sa akin, kahit si Uncle ay hindi ako nagawang sampalin...Ngayon lang.
Ganito pala yung feeling, hindi masakit yung sampal, in fact parang kagat lang ng langgam sa akin iyon, ang masakit ay yung katotohanan na kapamilya mo yung sumampal sa iyo.
Napangisi ako sa aking isipan, Wala akong magawa, gusto ko siyang sumbatan at sabihan kaso wala akong lakas ng loob, nakakapanghina.
I know it's my fault pero nagpadala pa rin ako sa galit ko, bakit kase kailangan ko pang baguhin ang sarili ko?
Ganito ako, and I won't change anything, ganito nila akong nakilala. Nasa sa kanila na iyon kung tatanggapin nila ako.
Napadaing ako ng mahina ng maramdaman ko muli ang kirot sa aking kanang pisnge.
Malalim akong huminga saka tinanggal ang lahat ng alalahanin sa aking isipan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
NAALIMPUNGATAN ako ng maramdam kong may parang humahaplos sa aking kanang pisnge kaya naman kaagad kong hinuli ang kamay niyon.
Rinig ko pa ang malakas niyang pag singhap, kukurap kurap akong dumilat ng mata.
Ngunit mahina akong napaungol ng masilaw ako, tinakpan ko ng aking kamay ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.
Ilang segundo pa ay mabilis kong idinilat ang mata ko at bumungad sa akin ang kaibigan ni Autumn.
Hawak hawak ko pa ang kanang kamay niya, marahil ito ang ginagamit niya pang haplos sa aking mukha.
"What are you doing?"
Malamig kong tanong sa kaniya, bigla naman siyang yumuko at biglang nanginig.
"A-ah A-ano, S-sabi kase ni A-Alixs na G-gamutin ko raw ang P-pasa mo sa Pisnge."
Tinitigan ko siya at mukha namang hindi siya nag sisinungaling kaya naman binitawan ko ang kamay niya.
Tumayo ako at sa eksenang iyon ay bumukas ang pinto at iniluwa noon si Autumn na may bitbit na mga pagkain.
lumapit siya sa amin at inilapag ang pagkain sa mesa.
"Tara, kumain na kayo. Ako ang nagluto nito."
Sa sinabi ni Autumn ay biglang tumunog ang aking tiyan.
*kruuuuu~~ *kruuuuu~~
Sabay silang napatingin sa akin.
"What?"
Saka tumawa ng malakas si Autumn habang si Aira ay ngumiti lang. Napakahinhin niya naman. Tsk.
Nag unat ako ng kamay saka humikab ng malakas, matapos iyon ay dumiretso ako ng upo sa upuan na narito sa harap ng lamesa.
Nasa kaliwa ko si Autumn samantalang sa kanan si Aira, maganang kumakain si Autumn samantalang si Aira ay mahinhin kung kumain.
Hindi kona sila pinansin pa at nilantakan ang pagkain na nasa harap ko.
Habang kumakain ay katahimikan ang naghari sa amin. dahil sa likas na madaldal si Autumn ay siya ang bumasag ng katahimikang iyon.
"Nga pala Winter, after this where would you go?"
Natigilan ako sa naging tanong niya, bahagya pang nasa ere ang kutsara na may pagkain na sana ay isusubo ko.
Saglit pa akong nasa ganoon sitwasiyon saka siya sinagot.
"Hmmmm, I don't know yet...Maybe sa Landrier kingdom."
Saka ko mabilis na isinubo ang pagkain.
"Puwede sumama?"
Bigla akong nabulunan sa naging tanong niya. Uubo ubo akong kumuha ng baso at magsasalin na sana ng tubig nang agawin iyon ni Autumn at siya ang nagsalin.
Mabilis ko namang nilagok ang tubig na inabot niya saka uubo ubo pang lumunok.
"Ano ba iyan Winter, magdahan-dahan ka nga tsk."
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit awkward lang siyang ngumiti kaya naman napasinghal na lamang ako.
"Tsk, hindi puwede, nakita mo na nga ang nangyayari sa akin tapos sasama ka pa? no, you can't it's too dangerous."
"Per---"
"No buts period."
Sa sinabi ko ay napanguso si Autumn, kahit kailan talaga ay napaka isip bata niya tsk.
"By the way, why won't you Introduced your friend?"
Mabilis kong iniba ang pinag uusapan, mahirap na at masiyadong makulit si Autumn.
"Ay oo nga pala hehe, Aira this is Winter Kaye Arzel, my house mate, my best friend hihi...Winter, this is Aira Brione, my Childhood best friend and until now, tahimik lang siya at hindi gaanong pala salita."
Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Nice to meet you."
"M-me too."
Mahina akong napatawa sa panginginig ng katawan niya, hahaha. Ganon ba ako nakakatakot at ganiyan siya kung makitungo sa akin?
"Am I Scary?"
"N-no...N-nahihiya lang talaga ako, P-pasensiya na, w-wala kase akong ibang kakilala bukod kay A-alixs."
"Hmmm, Don't worry hindi ako nangangagat."
"N-nasaan nga pala tayo A-Alixs?"
Bigla kaming natigilan sa naging tanong niya, sabay pa kaming nagkatinginan ni Autumn, tumingin siya sa akin ng may pag aalinlangan kung sasabihin ba, kaya naman tumango lang ako sa kaniya saka sumubo muli ako ng pagkain.
"Nasa Arzelia Kingdom tayo."
"H-huh? s-san iyon?"
"Hays, Aira makinig ka ng mabuti, Nasa Arzelia tayo, ang kaharian ng angkan ng Arzel...Ito ang Ikalimang Kaharian rito sa Arzelian, It's hidden so barely people knows about this, at isa ka sa masuwerte at nakapunta ka rito."
"A-Arzelia K-kingdom?"
Bigla akong natigilan sa naging reaksiyon niya. What's Wrong with her? is there something is bothering her? bakit siya namumutla.
"Hey Aira...What's wrong?"
Tanong ni Autumn rito ngunit nanatiling nakatulala ito kaya naman hindi ko mapigilan ang magtakha, narinig na niya kaya ang tungkol sa Arzelia? may nangyari bang hindi maganda?
Third Person's POV
Nang marinig ni Aira ang Salitang Arzelia Kingdom ay nanuot muli sa Alala niya ang babaeng naka kulong kasama ng magulang niya sa isang yelong Kabaong.
Isa itong babae na kamukha ni Winter, kaya pala pamilyar para sa kaniya ang wangis ni winter dahil minsan niya na itong nakita.
Bagaman na may katandaan ang babaeng Naka kulong ay kitang kita niya ang pagkakahawig ng mukha nila ni Winter.
Namutla siya at hindi napigilan ang kabahan ng malakas.
Bumalik sa alala niya ang nangyari labing lima na ang nakararaan.
Pinilit lamang ang magulang niya para gamitin ang kapangyarihan sa kaawa awang babae.
nasaksihan niya iyon bago siya nito iteleport palabas sa lugar na iyon.
Flashback
Limang taon pa lamang siya ng mangyari ang insidenteng iyon.
Ang pamilya niya ay hindi kilalang pamilya ngunit kilala ito sa kakayahan ng pag seal ng isang tao.
Ang kakayahan ng angkan nila na mag seal ng isang tao, kaya nilang paghimbingin sa pagkakatulog ang isang tao.
Kumbaga sa madaling salita ay Ma comatose.
Namumukod tangi ang angkan nila maliban sa Arzel Clan ang may kakayahang ito.
Isa silang Ice mage.
Isang araw ay naglalaro si Aira noon sa bakuran ng biglang dumating ang kanilang Hari.
Si King Frozer, kilala niya ito dahil sa iniidolo niya ito, kaya naman nakangiti niyang sinundan ang haring ito na papasok ng bahay.
Pagkapasok sa Bahay ay nawala ang ngiti niya sa kaniyang labi ng makita ang eksena sa loob ng kanilang bahay.
"Ama! Ina!"
Hindi niya mapigilan ang mapasigaw ng malakas dahil sa naabutan niyang sakal sakal iyon ng Hari na iniidolo niya.
"A-aira...R-run! r-run!"
Sigaw ng ama at ina niya ngunit parang napako sa kinatatayuan si Aira at di malaman ang gagawin.
Akmang lalapit si King Frozer sa kaniya ng mabilis siyang tumakbo palabas.
Nagtago siya sa isang malaking puno at tahimik na umiiyak.
Ngunit kaagad siyang napatigil sa paghikbi ng makita niyang patungo sa direksiyon niya sina king Frozer at hila hila ang magulang niya habang Nakapulopot ang Sealing Chain sa katawan nila.
Kaya naman mas isiniksik niya pa ang sarili sa mga halaman upang hindi siya makita nito.
Hanggang sa makalampas ay napagdesisyunan niyang sundan ito.
Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa kaharian ng Ice Kingdom.
Pumasok roon ang hari at inihabilin sa kawal ang magulang niya.
Kaya naman sinundan niya ito kung daldalhin ang magulang niya.
Nakita niya ang isang pader, may iniusal ang kawal doon at dahang dahan na umangat paitaas ang yelong pader.
nang tuluyang makapasok ay dahan dahan muli itong bumaba kaya bago tuluyang magsara iyon ay mabilis siyang tumakbo at pahigang nagpadulas.
Saktong pagsara ng yelong pader ay ang pagkapasok niya sa loob.
Madilim rito ngunit may kaunting liwanag ang apoy na nasa itaas na nagsisilbing ilaw.
Tinanaw niya ang kaniyang magulang at nakitang paliko sila sa kaliwa.
Kaya naman dali dali siyang tumayo at sinundan ito, lumiko rin siya pakaliwa at nakita niya na paliko ito ng pakanan. Kaya sinundan niya itong muli.
paliko liko ito at mabuti na lamang ay nasusundan niya pa rin ito.
Hanggang sa tumigil sa isang harap ng pintuan ang mga ito. Mayroong scanner roon sa mata at mukha at maya maya pa ay kusang bumukas ang pinto.
ipinasok doon ang magulang niya kaya naman tumakbo siya palapit at pumasok muli bago magsara ang pintuan.
Dahil sa ang Detector ay banda sa mukha at nasa itaas iyon, maliit lamang si Aira kaya naman hindi tumunog ang detector na may ibang nakapasok dahil sa hindi siya naabot nito.
nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakapasok siya.
Nagtago siya sa dilim ng makitang pabalik na ang Kawal na kanina ay nagdala sa magulang niya rito.
Nakahinga siya ng malalim ng makitang lumampas ito sa kaniya.
Kaya naman dali-dali siyang lumabas at sinimulang hanapin sa bawat sulok ng silid ang kaniyang magulang.
Magkahawak ang kamay niyang pareho nanginginig, kinakain ng takot ang sistema niya.
nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa matanaw niyasa dulo sa kanang bahagi ng silid ang kaniyang magulang.
"Ama! Ina!"
Mabilis siyang lumapit rito, nanghihina man ay nagawa siyang lingunin ng kaniyang magulang.
"A-anak!"
lumuhod siya sa harap upang magpantay ang kanilang tingin.
"I-ina..."
Naiiyak na tugon nito sa kaniyang ina.
"A-anak ko..."
"A-ano po bang nangyari? A-ama? I-ina?"
"M-makinig ka...L-lisanin mo na itong lugar na ito..."
"N-ngunit I-ina...Paano kayo?"
"H-huwag mo kaming alalahanin...H-hindi nila kaming maaring patayin, sapagkat kailangan pa nila kami..."
"ngunit ina...P-paano kung n-nakuha na nila ang kailangan nila, A-anong gagawin nila sa i-inyo?"
Walang nakuhang sagot si Aira sa kaniyang magulang. kaya naman nnapahikbi na lamang siya.
Ngunit maya maya pa ay sabay sabay silang natigilan ng marinig ang isang ungol sa bandang kaliwa nila.
Dahan dahan pa silang lumingon at doon ay isang kaawa awang babae anf nakita nila.
"M-mahal na reyna..."
Unti-unting lumingon ang babaeng tinawag ng ina niya na reyna.
Hirap man ay pinilit na yumuko ng magulang niya sa harap ng babaeng ito.
"H-hindi na ninyo kailangan na m-magbigay galang sa akin..."
"N-ngunit..."
"A-ayos lang...Mamamatay na rin naman ako, mas gugustuhin kong mamatay na L-lamang kaysa mabuhay sa ganitong lugar... na hindi man lang nakikita ang aking asawa at mga anak..."
"H-hija...H-hanapin mo ang A-Arzelia Kingdom...At doon ay humingi ka ng tulong, sabihin mo ito ay sa pangalan ng reyna ng F-fireous K-kingdom na si F-flare..."
Nais pa sanang dugtungan iyon ng babae ay malakas na bumukas ang pinto kaya naman agad siyang naitago ng kaniyang ina sa likuran.
At doon ay niluwa ang hari ng Ice kingdom na si King Frozer.
"Ano na Eva, hindi mo ba gagawin ang aking nais?"
"N-napakasama mong hari Frozer...K-kahit kailan ay hindi ako sang ayon na maging Hari ka!!"
Malakas na tumawa ang hari na tila ba iyon ang pinaka nakakatawang salita ang narinig niya sa tanang ng buhay.
"Hahahaha...Ngunit wala kang magagawa dahil ako ang hari, at ako ang masusunod susundin mo ang nais ko kung hindi ay mapipilitan akong paslangin lahat ng Angkan mo, kasama ang anak mo...Hahanapin ko siya at papatayin!"
Natigilan ang sila sa sinabing iyon ng hari, wala itong patawad at kahit inosenteng bata ay hindi pinalamapas sa kalupitan.
Nakita ng batang si Aira na nagkatinginan ang babae at ang kaniyang ina.
Tila sa pamamagitan ng ng tingin na iyon ay nagka intindihan sila.
Itinaas ni Eva ang kamay upang gamitin ang kapangyarihan, kusa namang nawalan ng ilaw ang sealing chain upang magbigay pahintulot na gamitin ang kapangyarihan.
nalaman iyon ng batang si Aira kaya naman ay lumabas siya at hindi napigilang sumigaw.
"Huwag!"
Natigilan ang lahat ng naroon sa maliit na boses na naglakas loob na pumigil sa kanila.
"Ina! ano ang iyong ginagawa?! huwag! huwag mong gagawin ang sinabi nila!"
"A-anak..."
"Ina! huwag...H-huwag mong gagawin..."
Humihikbing pakiusap niya sa ina, tila naman nanlambot ang puso ni Eva sa kaniyang Anak.
"Lapastangan kang bata ka! sino ka para pigilan ako?!"
Nagulantang sila sa naging sigaw ng hari.
"Hulihin ang batang iyan!"
"No!!"
"Huwag!"
"Anak!"
Sabay sabay na sigaw ng mag-iina, ngunit bago pa makalapit ang kawal ay nakita ni Aira ang pag taas ng kamay ng kaawa awang babae.
At itinutok iyon sa kaniya, kaya naman bago pa makalapit ang mga kawal sa kaniya ay nawala siya.
"Nooooo!"
Malakas na tutol at sigaw niya ngunit huli na ang lahat at nakita niyang nasa ibang lugar na siya.
Napaluhod ang bata si Aira saka umiyak.
End of Flashback
Samantalang kanina pa niyuyugyog ay tinatawag ni Autumn ang kaibigan dahil sa kanina pa ito nakatulala habang umiiyak.
"Huy...Aira?"
nagulat na lamang sila pareho ni Winter ng mahigpit na hinablot ni Aira ang pareho nilang kamay.
"Arzelia...Tulong...Tulong...Tulungan niyo ako!"
Tila wala sa sariling sambit ng dalaga, parehong nagtakha sina Winter at Autumn sa sinambit ng dalaga.
"What are you saying Aira?"
"Help...Tulungan niyo ako!"
Malakas na sigaw at pakiusap nito, nais pa sanang mag tanong ni Autumn ngunit agad na nawalan ng malay ang dalaga.
Kaya naman dali daling inalalayan ni Autumn ang kaibigan pahiga sa kama.
Samantalang si Winter ay nakatulala sa kawalan, isang malaking palaisipan para sa kaniya ang sinambit ng dalaga.
"What does she mean by help?"
To be continued...
ⓒ "kayeyukot"
Hey guys! hope you help me reach 500 followers! it's a big help for me ❤
Follow me please and i promise to update everyday ❤ please ?