Chapter 77: New Identity SA itaas kung saan ay laging naglalagi ang prinsipe ng Fireious Kingdom na si Prince Jayron ay pagod na pagod na nakahiga sa lapag. Gaya ng dati ay nandito siya'ng muli upang magsanay at magpalakas pa. At ngayon ay katatapos niya lang na mag ensayo. Napaupo siya sa tabi ng bunganga ng bulkan, pumuputok pa paitaas ang Lava na mula sa ilalim ng bulkan. Ngunit para'ng wala lang sa kaniya ang lahat dahil sa ilang taon na naglagi siya rito. Habang nakaupo ay pinagmamasdan niya ang nasa ibaba. Sari sari ang mga tao na may kani-kaniyang pinag-kakaabalahan. Ngunit napako ang kaniyang tingin sa babaeng nag-iisa sa lumang parke. Yakap yakap nito ang pamilyar na lion at base sa itsura ng likod ay kilalang kilala niya ito. Napatayo siya bigla at hindi niya namamalayan