Masakit man ang katawan ni Celestine pero maganda pa rin ang kanyang gising. Dahil napanaginipan n'yang sinagip s'ya ng kanyang masungit na boss sa bingit ng kamatayan. At nararamdaman n'ya ang mainit na yakap nito habang pinapatulog s'ya. Pero ng maimulat na ng tama ang mata n'ya ay napatulala uli ang nadalaga. Saang lupalop nanaman s'ya at ibang bahay naman ang nakatulogan n'ya. Saka dahan-dahan nitong naaalala ang nangyari kagabi. Biglang tumulo ang luha ng dalaga. Hindi pala panaginip ang lahat, totoong muntikan na n'yang mahulog sa napakalalim na bangin matapos na abutan ng landslide ang sinasakyang kotse nito at naitulak ito papuntang bangin. Maagap na nakalabas ng sasakyan ang dalaga at nakahawak sa mga malalaking bato na na posible ring kinalaunan ay mahuhulog na rin ito kasama