Destiny 11

1113 Words

Nauna ng bumalik sa kwarto nila si Celestine dahil medyo nahihilo na ito. Nahihiya kasi s'yang tumanggi sa ilang kasamahan ng dagdagan ang iniinom nila. Kaya nung mukhang hindi na nito kaya ay nagkunwari lang s'yang magbanyo saglit pero dumiretso na ito sa room nila. Dumodoble na ang paningin ng dalaga ng hindi n'ya mapansin na elevated ang design ng karugtong na sahig, kaya ng pagkaapak n'ya sa maling hakbang ay nakaamba ng matumba ang dalaga. Nang biglang isang matipunong dibdib ang kinauntogan n'ya imbis ang malamig na marble na sahig. Buti at naharangan siya ni Hayden at nasalo ito kundi bukol ang aabutin n'ya kinabukasan. "Thanks— Aaay!" naputol ang pagpapasamat ng dalaga ng pangkuin s'ya ng boss. Wala ng lakas ang dalaga na pumalag dahil mabigat na ang talukap ng kanyang mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD