Chapter 2

1153 Words
Catley POV " Ley sure ka ba sa papasukan natin?" Tanong sa akin ni Adda. Narito kami sa bansang Japan. Hindi ko nga alam kung bakit nagkamali kami ng eroplanong nasakyan. Private Airplane pa... Nag-apply kami ni Adda bilang factory worker sa Bansang Taiwan. Tuwang tuwa pa ako ng pinatawag na kami ng agency na magdadala sa amin sa Taiwan. Pangarap ko sa bansang yun nung dalagita pa ako. Ultimate crush ko kasi si Vic Zhou... Magkikita din kami. Pero sa kasamaang palad naiba ang ruta namin. Kaya heto mag-aaply kami sa isang kilalang company dito sa bansang Japan. Hiring sila sa kanilang Cleaning Department. Pwede na malaki naman ang sweldo, kaso di ako nakakaintindi ng salitang Hapon kaya feeling ko mahihirapan ako dito. " Pwede na, subukan natin sayang naman kung uuwi tayo. Mataas ang sweldo dito. Mabilis kong mababayaran lahat ng utang ko sa Pilipinas." Nag-apply kami at natanggap naman ako agad pero si Adda hindi. Kaya lang ang nabigay na pwesto ko ay yung Office pa ng CEO. Ilang beses akong kumatok. Pero walang nagbukas. Ang sabi kasi ni Madame supervisor kapag open na ang Office ay pwede ko ng linisan para kapag dumating na si Mr. CEO ay malinis na ang Office nya. Kailangan ko daw matapos ang paglilinis ng 8am dahil yun daw yung pagdating ni Mr. CEO. Kaya naman ng walang nagbukas sa akin ay ako na mismo ang kusang pumasok. Naglinis ako sa buong office. Sa totoo lang wala namang dumi. Nag vacuum at nag mop lang ako ng sahig. " Naku po may isa pa palang kwarto?!" Nang bubuksan ko na ay may narinig akong mga unggol... As usual may nagaganap na kababalaghan sa loob. Dahil sa palakas ng palakas ang mga sigaw nilang sarap na sarap ay nagpatugtog nalang ako ng favorite kong music. Nag headset ako para di ko marinig. Naupo na rin ako sa tabi... Di ko namalayang lumabas na pala sila. Nauna akong nakita ng babae. Napamangha pa ako dahil sobrang ganda nya naman... Kaso mukhang kaladkarin. Hahaha. Nagalit sya sobra sa akin. At syempre ang ending ay pinaalis ako sa Office. Ayos lang atleast di nila pinalinis sa akin yung ginamit nila sa alam nyo na!!! Hehehe. Ang gwapo sana ni Mr. CEO kaso paktay na... Mukhang mahilig sa babae. --------- " Ley kamusta???" tanong sa akin ni Adda. Nangupahan pa kami dito sa Japan dahil di naman kami stay-in. Kailangan kong kumayod ng sobra para makapadala agad sa pamilya ko sa Pilipinas. " Ayos lang naman. Ikaw kamusta ka sa coffee shop na pinagtatrabahuhan mo?" " Masaya dun. Gusto mo part time Job? Tumatanggap sila 4 hours a day tapos kapag day off mo pwede ka whole day. Gusto mo ipasok kita. Kailangan pa namin ng isa." " Talaga ba??? Sige mag-aaply ako bukas." Masayang masaya ako kasi dininig ng Diyos ang hiling kong isa pang trabaho. Isang buwan na di ako makakatawag sa pamilya ko. Dahil di pa kami makapakabit ng internet connection. Tiis tiis lang sa ngayon. Magkakasama sama rin kami. -------------- Maaga akong pumasok sa pinagtatrabahuhan ko para malinis na ang Office ni Mr. CEO. Mabilis ko namang natapos, kaya before 8am ay nakalabas na ko sa Office nya. Dala-dala ko yung mga gamit ko sa paglilinis ng tawagin nya ako. " Me sir???" turo ko pa sa sarili ko. " Yeh let's go inside." saka pumasok na sya sa loob. Sinundan ko naman agad sya. " What can I do for you sir?" tanong ko sa kanya. " Hahahaha!" tawa nya pa. Nakakaasar na ah. " What's funny???" taas pa ng kilay ko. Aba kahit sya pa may ari ng Building na ito hindi naman ata tama na tawanan nya ako. "Watashi wa anata ga sukidesu" (I like you) " Same to you." Letche sya. Alam nyang di ako nakakaintindi ng Japanese tapos magsasalita sya ng pang Alien. Nakakatawa ang reaksyon nya talagang natameme sya. Ganun na nga lagi kong sasabihin kapag nagsalita pa sya ng pang Alien. " Hehehehe. So Sir back to our discussion, grabe ang hirap mag English Again sir what can I do for you?" " Okay... Okay ... Kung di mo na kayang mag English edi mag tagalog ka na." prente nya pang sabi sa akin. Ako naman yung natameme. " Marunong po pala kayong mag tagalog. Hehe. " ngisi ko pa. Thanks God di na ko mahirapan pang mag English. " Oo naman. Nakita ko ang passport mo. Wala kang Visa papunta dito.?" Naku po ito na nga ba ang inaalala ko eh. Paktay na na talaga. " Ah eh...." " I, O, U." pagtuloy nya pa sa sinasabi ko. Pumalakpak naman ako. " Wow sir congratulations. Ang galing mo!" sabay thumbs up ko pa. Pero bumalik ako sa pagkakayuko ng makita kong nagseryoso na sya. " Sorry sir. Sana po wag mo akong aalisin. Sa Taiwan po talaga dapat kami pupunta ng kaibigan ko, kaya lang ibang Airlines ang napasukan namin." " So you mean illegal immigrant ka? TNT for short. Mas maganda siguro kung IPA deport na kita. What do you think?" " Naku sir wag po please. Kahit 1 year lang. Kailangan kong makaipon para sa pamilya ko. Please!" Pagmamakaawa ko pa sa kanya. Nakaluhod na ako ngayon sa kanya. " Pag-iisipan ko." " Sir kahit anong ipagawa nyo po sakin gagawin ko. 1 year lang po." " Fine! Tumayo ka na dyan. Ipapatawag nalang ulit kita kapag kailangan kita." Saka nya inopen ang laptop nya at nagpa ka busy. " Pwede ka ng lumabas, then lock the door." utos nya pa. " Sir!" " What???" Nagtama pa ang paningin namin. Ang titig nya hayst.... " Sir except lang po yung ano... ah.... ano..." " Kung yang katawan mo ang gusto mong sabihin. Sorry but your not my type. Kaya di mo kailangang hilingin yun. Hindi ako makikipag s*x sayo." Grabe lantaran talaga tong boss namin na ito... " Thank you sir. Mahalaga po kasi sa akin ang puri ko. Para lang sa asawa ko to." Lumingon pa ako saka tumingin ulit sa gawi nya. " Bye Mr. CEO." saka ko hinila ang pinto ng Office nya. " Hoy babae saan ka galing???" Naku po narito na ang impakta nyang secretary. " May iniutos lang po si Mr. CEO. Sige po ma'am good morning po sayo." Sabay yuko ko ng ulo sa kanya. " Tsk ... Di ka magugustuhan ni Akio." mataray nya pang sabi. Nilingon ko sya saka nginitian. " Si Mr. CEO ba ang tinutukoy mo? Wag kang mag-alala ma'am di ko rin sya type. Mas gwapo yung asawa ko sa Pilipinas." Kumaway pa ako saka ko tinulak yung cleaning tools ko na nakalagay sa cart palayo. Di ko pa alam kung anong tawag dito saka ko nalang sasabihin kapag alam ko na. Hehehe " Shely!!!!" Narinig ko pang bulyaw ng boses sa intercom nya. Ayan mapapagalitan pa ata... Feeling maganda kasi... Hahahaha...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD