NAALIMPUNGATAN ako nang magising ako dahil may humahaplos sa aking mukha. Bigla akong napabalikwas ng bangon. "What are you doing here?" tanong sa akin ni Xavier. Ang lambing ng boses nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Xavier lalo na at nangahas akong pasukin ang kanyang bahay. Ang lakas ng t***k ng puso ko lalo na at ang lapit niya lamang sa akin. Nakaupo siya sa kama kung saan ako nakahiga. "I'm sorry kung pumasok ako sa bahay mo at pinakialaman ang mga gamit mo, wala kasi akong maisip na pupuntahan. Isa pa gusto ko lang magbakasakali na makita ka," wika ko pang yumuko upang maikubli ang mukha kong namumula. "Ginamit ko rin ang tshirt mo ng hindi nagpapaalam." "Alam mo bang delikado ang ginawa mo? Naka-motor kang pumunta rito. Paano kung may nangyari sayo sa daan? Wala nam