HINDI PUMAYAG si Xavier na sumakay ako sa aking scooter pauwi kaya hinatid niya ako pauwi ng bahay pero hindi mismo sa tapat ng aming bahay at ayaw nitong may makakita sa kanila. May kinuha rin si Xavier na maghahatid sa kanyang motor kaya hindi na siya nag-alala pa. Hindi pa naman ako nakakapasok ng bahay ay naririnig ko na ang boses ng aking ama at mukhang may kaaway ito. Kinabahan ako at baka nalaman niyang hindi ako umuwi kagabi. Patay malisya akong pumasok ng bahay na akala mo ay walang nangyari. Wala si Mama sa sala ng mga oras na iyon at ang kausap ni papa ay ang cellphone nito at tigilan pa ito ng makita ako. " Saan ka natulog kagabi? Akala mo siguro hindi ko mapapansin na wala ka sa kwarto mo?" tanong sa akin ni papa kung kaya natigilan ako. Hindi ko naman pwedeng hindi sabih