❣︎ URSULA/2030 ❣︎ "No, you're not! Kailangan mo ring mamili nang mabuti." sabi ni Zeb at hindi ko lubusang maintindihan ang lahat nang kaniyang sinabi. Ngunit, ang puso ko naman ang hindi magkandaugaga sa pagtibok sa mga sumunod niyang binigkas, "Isa kang magandang babae kaya dapat maganda rin ang bibilhin mo." Nariyan na naman ang mga salitang nagpapataranta sa akin. Kapag si Zebe ang nagsabi na ako ay maganda, hindi naman ganito ang aking nararamdaman. Ngunit, bakit kapag si Zeb na ang nagsabi na ako ay maganda, ang aking puso ay hindi mapakali. Parang may kung anong insekto ang nagpapaligsahan sa aking sikmura. Sa lubos na kabang aking nararamdaman, kung anu-ano na lamang ang aking nasabi, "Hindi ako maganda. Ako ay pregnant." Muntikan na akong napasubsob sa salamin ng kotse nang