bc

Haplos ng Kahapon

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
bxg
no-couple
Neglected
like
intro-logo
Blurb

A one-shot story was written for you by yours truly.

chap-preview
Free preview
Simula at Wakas
Isang alaalang nilimot na ng panahon na sa isang bahagi ng isipan ay nagpapagising sa bihirang pagkakataong balikan ang malamig na kahapon. May sariling buhay ang isip. May kapangyarihan ang pag-iisip. Iwawaglit mo man ang pangit ng kahapon, ibaon, limutin at burahin, sadyang bumabalik at pumupukaw sa damdaming matagal ng pumanaw. Ngunit ang isipan ay may tanong. Pumanaw nga ba o mahimbing lang na nakaidlip? Tatlong taon na ang nakakalipas nang huli tayong nagkita. Tandang-tanda ko pa noon kung gaano mo kabagal tinahak ang daan papalayo sa akin. Lumingon ka bago mo tinawid ang kawayang tulay na nagdudugtong sa daang kinaroroonan ko at bangkang sasakyan mo. Tumalikod ako bago mo man makita ang pagpahid ko ng aking luha. Ganoon tayo naghiwalay. Ganoong sitwasyon ang naging huli nating pagkikita. Masakit man para sa akin ang palayain ka ngunit hindi ko naman maipagkakait sa iyo ang mga pangarap mo sa buhay, mga pangarap na matagal mo ng ninanais. Hindi naging madali para sa akin ang buhay, mas naging mapait para sa akin ang kapalaran. Pumanaw ang aking Ina na siyang huling pamilya ko na lamang. Pakiramdam ko ay hindi ako mahal ng Diyos sapagkat lahat ng mga mahal ko sa buhay ay iniiwan ako, kaya mas tinatagan ko ang aking loob at hindi nagpadala sa hirap at lungkot. Nanampalataya ako araw-araw na sana sa bawat paggising ko sa umaga ay gabayan ako ng Mahal na Panginoon. Inahon ko ang aking sarili mula sa pagkakalugmok at tinayo ang aking mga paa upang harapin ang mga hamon ng buhay. Sa kabila ng hirap ay kumayod ako at binuhay ang aking sarili mula sa paglalabada, paglilinis ng mga pampublikong mga banyo, pagtitinda ng isda at kahit pagkakargador ay sinulot ko na malihis lang sa iba ang aking isipan dahil hanggang sa ngayon ay hinahanap parin nito ang lalaking tinitibok ng puso ko. Sa kabila ng lahat ng paghihirap niminsan ay hindi ka nawaglit sa aking isipan, hindi ko parin kayang limutin ka kahit anong gawin kong pagsusubsub sa trabaho ay pilit nitong sinisiksik sa isipan ang alaala ng ating kahapon. Naglalakad ako sa dalampasigan isang hapon, naiisip ko parin ang kahapong wala nang wakas. Ayaw ko na isipin ngunit ganitong wala akong ginagawa sa bahay ay lagi akong dinadala ng aking mga paa sa dalampasigang dati nating tagpuan. Umupo ako sa kilid ng tulay na kawayan habang nakasabit ang mga paang naaabot na ang malamig na tubig ng dagat, sa tulay kung saan ka naglalakad noon papalayo sa akin. Tinanaw ko ang karatig bayan may mga nagtataasang gusali, mga magagarang bahay at mga sasakyan. Hindi ko maiwasang itanong sa sarili kung kamusta kana kaya? Nakakatulog kaba at nakakakain sa tamang oras? Kung may bago nabang nagmamay-ari ng puso mo o ako parin ba hanggang ngayon? Matagal ko naman ng alam na pangarap mong makapunta at manirahan sa bayan. Naaalala ko pa noong minsang nakipagtagpo ka sa akin sa mismong lugar na ito, sa mismong araw ng pagiisang taon ng ating relasyon habang dala-dala ang tatlong piraso ng rosas para sa akin. Sumilay ang mga ngiti sa aking mga labi ng maalaala ang tamis ng ating nakaraan. Memoryado ko pa ang mga salitang pinangako mo sa akin nung araw na yun "Noon pangarap ko ang makapagtrabaho sa bayan" ani mo habang nakatanaw sa bayan na tila kumikislap ang mga mata, bumaling sa akin ang iyong mga tingin sabay sabing "Ngunit ngayon gusto ko ng manirahan sa bayan kasama ka". Dahil sa mga katagang iyon ay umaasa parin ako na sana'y babalikan mo pa ako. Hindi ko napigilan ang mga luhang naguunahang pumatak mula sa aking mga mata. Nais ko mang sumama sa iyo sa mga oras na iyon ay hindi ko magawa, hindi ko kayang iwan ang aking Ina na may malubhang sakit at hindi naman ako ganun ka makasarili upang ipagkait sa iyo ang oportunidad na matagal mo ng minimithi. Lumipas ang ilang buwan at kitang-kita ko ang pagbabago ng aking katawan ang nooy makinis at maputi ngayo'y sugat-sugat na't nangingitim dahil sa kakatrabaho. Ngunit sa ilang buwang paghihintay ay nawalan na ako ng pag-asang babalikan mo pa ako dahil sa isang masakit at malagim na pangyayari. Nagahasa ako habang naghihintay sa iyong pagbabalik at nagbunga ito. Hindi ko matanggap ang pangyayari't kinamumuhian ko ang batang nasa sinapupunan ko. Natatakot ako na baka sa pagbalik mo'y hindi mo na ako tatanggapin dahil marumi na akong tao. Binalak kong ipalaglag ang bata sa loob ng sinapupunan ko ngunit hindi ko kaya, hindi ko kayang pumatay ngbisangbbatang wala namang kasalanan. Mas tinatagan ko ang aking sarili at tinaguyod mag-isa ang aking anak. Isang araw nabalitaan ko ang iyong pagbabalik, may sarili ka ng pamilya at halata ang pag-unlad mo sa buhay. Masaya ako at hindi naging mali ang naging desisyon kong palayain ka, sa estado ng buhay mo ngayon ay tila napagtagumpayan mo ang malalaking alon at pagsubok ng buhay. Gusto kong isipin na ako ang dahilan ng iyong pagbabalik ngunit marami na ang nagbago sa akin. Hindi na ako ang dating hinangaan mo. Hindi na ako ang dating pinaglalaanan mo ng iyong pag-ibig. Hindi na rin ako ang minahal ka ng husto. Mula sa malayo ay kitang-kita ko ang pagkislap ng iyong mga mata sa tuwing dumadapo ang iyong mga tingin sa iyong kabiyak, tulad ng kung paano mo akong tignan noong ika'y akin pa lamang. Hindi ko mapigilang isipin kung paano kung sumama ako sa iyo nun? Paano kung naging makasarili ako sa pagkakataong iyon? Magiging masaya parin ba tayo? "Mama" pukaw sa aking atensyon ng aking anak na ngayo'y apat na taong gulang na, hinawakan nito ang aking kamay upang magpakarga. Sa huling pagkakataon ay tumingin akong muli sa taong minahal ko noon ng lubosan, kung naging makasarili ako noo'y hindi sana ako magkakaroon ng batang mas mahal ko pa sa buhay ko ngayon kaya salamat sapagkat naging bahagi ka ng buhay ko. May ngiti sa mga labi kong tinalikuran ang haplos ng aking kahapon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.3K
bc

His Obsession

read
73.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook